
Ipinagdiriwang ngayong araw (August 2) ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang kanyang 43rd birthday.
Bilang selebrasyon sa kanyang kaarawan, naghanda ng maagang birthday surprise ang kanyang Royal Blood family noong Lunes (July 31) kung saan nagkaroon sila ng salo-salo sa set.
Nagbigay din ng birthday message ang Royal Blood co-stars niyang sina Megan Young, Mikael Daez, Rhian Ramos, Lianne Valentin, Dion Ignacio, Rabiya Mateo, Aidan Veneracion, Sienna Stevens, Melissa Avelino, Ge Villamil, at ang director ng serye na si Direk Dominic Zapata.
"Hi Dong, happy happy birthday. It's been really great working with you throughout the years. From being our host on StarStruck and from being one of the people I looked up to at ngayon nakakatrabaho na kita. I'm really grateful that I got to learn a lot from you in terms of acting and working on the set. I wish you all the best in terms of your life, your family. And of course, I hope you have a very very happy birthday," pagbati ni Megan sa aktor.
Panoorin ang birthday message ng cast ng Royal Blood para kay Dingdong Dantes sa exclusive video na ito:
Patuloy na subaybayan si Dingdong bilang Napoy sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.