
Bibida ang Kapuso actor na si Mikoy Morales sa pelikula na pinamagatang Tether, na isa sa competing films ng Cinemalaya Film Festival ngayong taon.
Ang nasabing pelikula ng Kapuso star ay idinirehe at isinulat ni Gian Arre.
Puspusan naman ang naging paghahanda ni Mikoy para sa kanyang gagampanang role sa Tether. Kabilang sa kanyang preparasyon ay ang pagsalang sa acting workshop.
“My go-to is Ate Ana Feleo, always. She briefs me and debriefs me and helps me prepare or unprepare for something. When we started shooting for Tether kasi that was right after doing Dick Talk, the stage play we did. I had to debrief from Dick Talk and prepare for Tether. Buti na lang nandoon si Ate Ana.
“At the same time, nag-intimacy workshops din kami with Ms. Missy Maramara, who is very helpful and almost life changing 'yung nangyari, 'yung tinuro niya sa amin. Balak kong gawin 'yun lagi kapag may gagawin akong pelikula,” pagbabahagi niya sa naganap na media conference kamakailan.
Ayon kay Mikoy, naging masaya rin ang kanyang on and off cam bond kasama ang buong team ng Tether.
Aniya, “Sobrang swak kami ni Direk Gian. I really really loved how he wrote the script and how he directed us kasi it's on-point. I like his lingo, I like 'yung trail of thoughts niya, kung paano niya kinukuwento rin sa amin, ina-articulate 'yung gusto niyang mangyari, and everyone else on set.”
Para kay Mikoy, isang fulfilling experience ang paggawa ng bagong pelikula para sa Cinemalaya.
Gaganapin ang Cinemalaya 2023 simula August 4 hanggang August 13 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City. Inaasahang ipalalabas din ang competing films sa Cultural Center of the Philippines's Black Box Theater, TriNoMa, Ayala Malls Manila Bay, at Glorietta cinemas.