GMA Logo jirisan
What's Hot

Abangan ang mystery-thriller Korean series na 'Jirisan' sa GMA

By Kristian Eric Javier
Published August 3, 2023 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Jimmy Mariano, former player and champion coach, passes away
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

jirisan


Abangan ang kapana-panabik na mystery-thriller series na 'Jirisan' sa GMA.

Mapapanood na ang kapanapanabik na mystery-thriller Korean drama series na Jirisan sa GMA!

Ang Jirisan, na kilala din sa tawag na Mount Jiri, ay kinikilala bilang second-highest mountain sa South Korea. Kaya naman maraming hikers at explorers ang hinahamon ang taas nito at inaakyat ang bundok.

Ngunit kahit gaano kaganda ang isang bundok ay marami pa rin ang nawawala o naaaksidente dito. Dahil dito, nagtalaga ang Jirisan National Park ng rangers na sasabak sa rescue missions.

Si Iya (Jun Ji-Hyun), ang pinakamagaling na ranger na kabisado ang pasikot-sikot ng bundok, ang isa sa naka-assign na rangers. Makakasama niya ang rookie ranger na si Anjo (Ju Ji-Hoon) na kahit baguhan pa lang ay magagamit ang military background niya para maging magaling na ranger at reliable na partner.

Bukod sa pagsagip sa hikers ay kailangan din nilang lutasin ang misteryong bumabalot sa Jirisan, at sa hikers na umaakyat dito.

Abangan ang pagbabalik sa primetime ni Jun Ji-Hyun at alamin kung paano malulutas at maililigtas nina Iya at Anjo ang mga hikers ng Mount Jiri sa Jirisan ngayong August na.