GMA Logo EA Guzman
What's Hot

'Lilet Matias: Attorney-at-Law' star na si EA Guzman, nominado bilang Best Supporting Actor sa 25th Gawad PASADO

By Abbygael Hilario
Published August 3, 2023 4:16 PM PHT
Updated August 4, 2023 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman


Congratulations, EA Guzman!

Inilabas na ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro ang listahan ng mga nominado para sa 25th Gawad PASADO Awards.

Kabilang sa mga Kapuso stars na nakatanggap ng nominasyon ay ang 'Lilet Matias: Attorney-at-Law' actor na si EA Guzman na hinangaan dahil sa kanyang husay sa pag-arte sa pelikulang "Walker."



Sa Instagram, nagbigay ng pasasalamat si EA sa bumubuo ng naturang organisasyon.

"Sa lahat ng bumubuo ng Gawad Pasado Awards, MARAMING SALAMAT po sa aking nominasyon," aniya sa kanyang caption.

Source: ea_guzman (IG)

Samantala, isa si EA sa mga bibida sa upcoming legal serye na Lilet Matias: Attorney-at-Law.

Sa naturang proyekto, makakasama niya ang Sparkle prime actress na si Jo Berry na gaganap bilang Lilet Matias, ang maliit ngunit mabagsik na abogada na may malaking pangarap para sa mga naaapi.