
Mapapanood ngayong Agosto sa Magpakailanman si Alden Richards kung saan na-prank pa siya sa taping.
Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, sa taping ng Magpakailanman, may diumano'y fan na gustong magpa-picture kay Alden Richards.
Pero nang salubungin ni Alden ang fan, prank pala ito dahil ang fan ay ang kanyang kaibigan na si Jeffrey Tam.
"Ang sabi lang sa akin, may magpa-papicture raw na caterer na matanda. So pumasok siya na naka-facemask at naka-shades tapos naka-cap, tapos sabi ko, grabe naman tong si nanay, ang daming tattoo sa legs."
Makakasama ni Alden si Jeffrey at Sanya Lopez sa pagbibidahan niyang Magpakailanman stories ngayong Agosto.
Ngayong Sabado na tampok si Alden sa episode na A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story, kung saan gumanap siya bilang isang runner na may Cervical Dystonia.
Abangan 'yan sa Magpakailanman ngayong Sabado, 8:15 p.m.