GMA Logo GMA Network TikTok
What's Hot

TikTok ng GMA Network, most viewed entertainment account sa buwan ng July

By Marah Ruiz
Published August 9, 2023 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Network TikTok


Ang TikTok account ng GMA Network ang most viewed entertainment account para sa buwan ng July.

Ang official TikTok account ng GMA Network na @gmanetwork ang nanguna sa top entertainment creators ng popular na video platform ngayong buwan ng July.

Ayon sa tala ng TikToktainment, nakalikom ang GMA Network ng 298.3 million video views para sa buong buwan ng July.

Ito ay dahil sa ilang trending clips mula sa hit shows na Abot-Kamay na Pangarap, Voltes V: Legacy, Royal Blood, Magandang Dilag, at marami pang iba.

Isa sa most viewed posts ang reveal ng green hair ni Lyneth (Carmina Villarroel) mula sa Abot-Kamay na Pangarap na mayroon nang mahigit four million video views.

@gmanetwork #AbotKamayNaPangarap PAAAAK!!! Baka Lyneth namin 'yan!!! 🤩 #CarminaVillarroel #RichardYap #MoiraTanyag ♬ original sound - GMA Network

Kabilang din ang GMA Network sa mga entertainment accounts na nagtala ng mabilis na pagdami ng followers.

Para sa July, umani ang GMA Network ng 285.6K new followers.


Bukod dito, mahigit 500 million video views din ang naitala ng official hashtag ng GMA Gala 2023 ng #GMAGala2023.

Mula ito sa iba't ibang posts galling sa official accounts, celebrities, at iba pa.

Ang #GMAGala2023 ay partnership sa pagitan ng GMA Network at TikTok.

I-follow na ang official TikTok account ng GMA Network na @gmanetwork para isa iba pang updates at trending videos.