
Mapapanatag na ang loob ng All-Out Sundays mainstay na si Mark Bautista matapos mabawi niya ang kaniyang Instagram account na na-hack.
Nitong Lunes, August 7, nag-post sa X (formerly Twitter) ang OPM idol para ipaalam sa publiko na wala na siyang control sa kaniyang IG page.
CELEBRITIES NA BIKTIMA NG HACKERS:
Pero nang sumunod na araw (August 8), masayang ibinalita naman ni Mark na nabawi na niya ang kaniyang account.
Sabi niya sa post, “This is crazy!! I think I'm back?”
“First of all thanks to everyone who reported this account and to all my friends who messaged me showing their concerns. I already deleted all the sexy photos (my gulay), but I think she/he/they also deleted all my posts.”
Umamin naman si Mark na dahil sa insidente, medyo may takot na siya mag-post.
Lahad niya, “I feel like I'm scared to post anything now. Anyway I'm still trying to figure this out for now, I'll just start by saying- Take extra care and stay safe everyone!
“I can now sleep. Sana hindi naman ako gisingin ulit ng kapatid ko ng 4 am dahil na-hack IG ko.”
Ilang celebrities naman ang nagkomento sa post ng Kapuso artist nang mabawi niya ang kaniyang Instagram. Sabi sa kaniya ng award-winning Broadway actress na si Lea Salonga na kahit binura ng hackers ang kaniyang mga post, puwede naman daw niya i-rebuild ang kaniyang IG page.