GMA Logo Jennylyn Mercado
Image Source: mercadojenny (IG)
What's Hot

Jennylyn Mercado, inaming nahirapan sa kanyang acting comeback: 'Pakiramdam ko hindi na ako marunong'

By Jansen Ramos
Published August 10, 2023 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado


Inamin ni Jennylyn Mercado na nahirapan siya sa pag-arte matapos ang kanyang two-year hiatus sa showbiz: 'Parang pakiramdam ko...parang baguhang artista ako. Pakiramdam ko hindi na ako marunong. Parang nahihiya ako ganu'n, tapos hindi ko ma-memorize 'yong script ko.'

Two years na hindi gumawa ng serye ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado dahil sa kanyang pagbubuntis at panganganak sa anak nila ni Dennis Trillo na si Dylan Jayde.

Ayon sa aktres, malaking adjustment ang kailangan niyang gawin para sa kanyang acting comeback via the GMA series na Love. Die. Repeat. na naiwan niyang serye noong 2021.

Ito ay matapos siyang magkaroon ng medical emergency habang nasa set ng serye, na kalaunan ay nalaman na dulot ng kanyang pagbubuntis.

Tinutuloy ngayon ni Jen ang taping para sa Love. Die. Repeat, kung saan katambal niya si Xian Lim.

Pero ayon kay Jen, hindi ito naging madali para sa kanya.

"Parang pakiramdam ko...parang baguhang artista ako. Pakiramdam ko hindi na ako marunong. Parang nahihiya ako ganu'n, tapos hindi ko ma-memorize 'yong script ko," ani Jen sa podcast na Updated with Nelson Canlas.

Sa dalawang taong hindi siya umarte, parang back to zero daw siya nang sumalang sa taping.

"Nawala 'yung practice, kasi palagi ko siyang ginagawa noon. Hindi rin ako halos nagpapahinga, so mas confident ako na gawin 'yung mga eksena, name-memorize ko.

"Ngayon parang baby brain pa, 'yung hindi ko pa agad makabisado so kailangan ko ng time talaga na, kunwari 'yung day ng before ng taping, kailangan kong makita ang sequences para prepared ako the next day, ganun."

Malaki raw ang nagbago sa kanyang pangangatawan dahil sa kanyang pangalawang pagbubuntis dahil 15 years ang pagitan mula sa kanyang unang pagbubuntis. Isinilang niya ang panganay niyang si Alex Jazz, na anak niya sa dati niyang nobyong si Patrick Garcia, noong August 2008.

"Si Jazz magpi-fifteen na siya this year, so ganun katagal, ganun kalaki 'yung gap. So ibang iba, ang daming pagbabago sa katawan ko. Hindi na ganun kabilis 'yung pagbalik sa dati.

"Tapos ang dami ng mga bagong gadgets at bagong mga baby stuff na lumalabas na noon parang ha? Hindi naman kailangan 'yan."

Nahirapan din daw si Jen na ibalik ang kanyang dating timbang kaya naman hinay-hinay ang kanyang pagwo-workout bilang isang CS mom.

"Mahirap noong una kasi cesarean ako, C-section, so ang hirap bumalik sa workout kasi natatakot ka pa, may incision. After a month ko manganak, nag-pilates agad ako, pero walang core workout for mga hanggang five months.

"Tapos dire-diretso na 'yun, tapos bumalik ako sa triathlon training a few months ago bago ako mag-start dito. So 'yun 'yung nagpaano talaga."