What's on TV

David Licauco, astig ang dating sa kanyang action stunts sa 'Maging Sino Ka Man'

By Jansen Ramos
Published August 11, 2023 11:40 AM PHT
Updated September 5, 2023 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'One Battle After Another' leads Hollywood's Golden Globe nominations
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Gagampanan ni David Licauco ang role ni senator Robin Padilla sa TV adaptation ng '90s film na 'Maging Sino Ka Man.'

Maangas at astig ang dating ng Sparkle artist na si David Licauco sa bagong behind-the-scenes teaser ng upcoming action-drama series niyang Maging Sino Ka Man na hango sa iconic 1991 film of the same title.

Ipinasilip sa teaser ang action stunts ni David bilang Carding, na orihinal na binigyang-buhay ni senator Robin Padilla.

Dito ay nakipagsuntukan si David sa ilang lalaki sa ilalim ng direksyon ni Enzo Williams, na direktor din ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis.

Tila papasok na sa kanyang 'bad boy' era ang Pambansang Ginoo pero, paglilinaw niya, may puso pa rin si Carding, ayon sa isang panayam kamakailan.

Mapapanood din sa nasabing teaser ng Maging Sino Ka Man ang isang eksena nina ER Ejercito at Mikoy Morales bilang Boss Frank at Libag.

Makakatambal ni David sa serye ang Maria Clara at Ibarra onscreen partner niyang si Barbie Forteza na gaganap na Monique, ang papel ni Megastar Sharon Cuneta sa pelikula.

Kabilang din sa cast ng TV adaptation ng Maging Sino Ka Man sina Juancho Trivino, Faith Da Silva, at Rain Matienzo.

Mapapanood din dito ang mga batikang artista na sina Jean Garcia at Jeric Raval.