GMA Logo Joshua Garcia
Courtesy: GMA Network, EJ Chua
What's Hot

Joshua Garcia, sinorpresa ang ilang customers ng isang fast-food chain

By EJ Chua
Published August 12, 2023 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia


Napa “Sana all” ang ilang netizens nang magsilbi bilang crew si Joshua Garcia sa isang sikat na fast-food chain.

Nito lamang Biyernes, August 12, dumalo ang Unbreak My Heart actor na si Joshua Garcia sa isang event ng fast-food chain na kanyang ineendorso.

Sa meet-and-greet event na ginanap sa Jollibee Katipunan branch sa Quezon City, nakasama ni Joshua ang ilan sa kanyang fans.

Present din dito ang ilang media personnel at ilang social media influencers.

Nakisaya ang aktor sa kanyang supporters sa pamamagitan ng ilang games at pa-TikTok challenge.

Sa kalagitnaan ng event, nagbihis si Joshua ng uniform ng isang Jollibee crew.

Kasunod nito, nagtungo siya sa counter nito at siya mismo ang nag-abot ng burgers sa mga bisita.

Bukod pa rito, si Joshua rin ang nag-serve ng mga pagkain ng mga customer na umorder sa drive-thru.

Usap-usapan ngayon ang aktor sa social media dahil ilang netizens ang napasabi ng “Sana all” sa posts na kanilang nakita tungkol sa isang araw na pagiging crew ni Joshua.

Narito ang reaksyon at komento ng ilang netizens:

Samantala, napapanood si Joshua bilang isa sa lead stars ng Unbreak My Heart.

Kasama niya rito sina Gabbi Garcia, Richard Yap, Jodi Sta. Maria, at marami pang iba.

Subaybayan ang karakter ni Joshua sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.