GMA Logo kristel fulgar
Source: kristelfulgar (IG) and KrisTells Vlogs (YT)
What's Hot

Kristel Fulgar, nagpaliwanag sa pagkakatanggal niya bilang host sa Seo In-guk fan meeting

By Aedrianne Acar
Published August 16, 2023 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt

Article Inside Page


Showbiz News

kristel fulgar


Humingi ng paumanhin si Kristel Fulgar sa kanyang fans na umasang makikita siya sa fan meeting ng Korean actor na si Seo In-guk.

Binigyan-linaw ng celebrity vlogger na si Kristel Fulgar ang biglaang pagkakatanggal niya bilang host sa fan meet ng Korean actor Seo In-guk noong Sabado, August 12, sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Sa YouTube vlog ni Kristel, na inupload niya kahapon, August 15, ikinuwento niya ang mga pangyayari sa rehearsal ng fan meeting.

Makikita sa mga mata at body language ng former Goin Bulilit actress ang pagkadismaya sa kinahinatnan ng kaniyang hosting gig.

Paglalahad niya, “First time ko naka-experience ng ganito scenario sa 20 years ko sa industriya ng entertainment. Nandito na ako 7 a.m. nag-rehearse and then, eventually, sinabihan ako ng [Korean technical] director na hindi na raw ako magho-host.”

“Parang, huh? Sandali lang naman, parang ano nangyari? Parang ang tagal ko 'tong prinepare, ang tagal ko prinepare 'yung sarili ko dito and…”

“Wala akong ibang tinanggap na hosting kung hindi ito lang event na 'to. Kasi nga, dahil para kay Seo In-guk, alam ko hindi naman ako super expert sa hosting, pero alam ko na kaya ko kumonek sa kapwa ko fans ni Seo In-guk.

“Kaya yun talaga ang pinakagusto ko, 11 years ako fan ni Seo In-guk kaya kahit hindi ko forte ang hosting, tinanggap ko 'to kasi tinitinggan ako as representative ng mga fans ni Seo In-guk. So, hindi lang ako basta magiging host sa stage, kundi magiging fan [din] ako.”

Source: KrisTells Vlogs (YT)

SEO IN-GUK FAN MEETING EXPERIENCE :

Aminado naman ang dalaga na hindi niya naibigay ang kanyang 100 percent noong rehearsal, na naging dahilan ng pagkakaalis niya bilang host.

“Since, rehearsal 'yun hindi ako sanay na ibigay 'yung 100% energy ko, so, kung nakulangan sila sa energy dun the rehearsal.

“Sabi ko po, 'I will do my best'

“Nag-e-expect ako na ipapaakyat ulit ako sa stage para mapakita ko 'yung 100% na sinasabi ko, pero hindi raw.

“And currently nag-contact na sila ng ibang host. Sinasabi nila gusto lang namin ng magiging event, hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan 'yung sarili ko.”

Ang DJ na si Karen Bordador ang humalili kay Kristel bilang host ng naturang fan meeting.

Sa parehong vlog, maluha-luha rin si Kristel na humingi ng tawad sa fans niya na nag-expect na mapapanood siya noon sa fan meet.

“At nahihiya ako sa mga taong nag-expect na ako 'yung haharap sa kanila. I'm so sorry guys. Alam ko na may mga fans ako, supporters na bumili ng ticket para mapanood ako sa stage.

“Para mapakita ko 'yung kilig ko kapag nasa stage na ako with Seo In-guk, pero hindi ko 'yun maibibigay.”

Sa kabila na nangyari, nagawa pa rin na personal na ma-meet ni Kristel si In-guk nagawa pa nitong magpa-picture sa Korean heartthrob.

A post shared by Kristel Fulgar (@kristelfulgar)