
"When you're at your low [point], that's when you'll know who your real friends are..."
'Yan ang pahayag ni Heart Evangelista sa GMANetwork.com nang magbalik-tanaw siya sa kanyang buhay at career ilang minuto bago siya muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
Ang naturang contract signing ay tinawag na "The Heart of Sparkle," isang espesyal na selebrasyon na ginanap sa The Residences at the Westin Manila Sonata Place, isang high-rise, modern residential project sa Pasig City.
Bagamat wala siyang partikular na tao o isyu na tinutukoy sa kanyang interview, malaman ang kanyang mga sinabi.
Aminado si Heart na sa ilang taon niya sa showbiz, marami na siyang napagdaanan at tinanggap, both the good and the bad.
"You can't win the world, you can't please everyone. And so you just have to be appreciative of those who are just with you all the time and don't ask for anything in return."
"I've always been like that. I'm just grateful for everything and everyone. You know I've been through so much in showbiz. Twenty-six years of a lot of uhm..." sabi ni Heart, ang kanyang mata nanlalaki dahil ayaw na niyang magsalita pa ng mga bagay-bagay na hindi maganda.
Kaya pinipili na lang ni Heart na pagtuunan ang kanyang blessings dahil alam n'ya na sa bawat tao na umaalis sa buhay niya, o bagay na kinukuha mula sa kanya, may kapalit naman itong mas malaking blessing.
"So I don't question anything kasi laging may kapalit 'yan na maganda. Not question anything talaga."