GMA Logo vice ganda
What's Hot

Vice Ganda, idinetalye sa kinasangkutang karambola sa QC

By Abbygael Hilario
Published August 23, 2023 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

vice ganda


Nasangkot sa isang vehicular accident ang 'It's Showtime' host na si Vice Ganda noong Linggo sa Quezon City.

Idinetalye ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang nangyari sa aksidenteng kinasangkutan niya noong Linggo, August 20, sa Quezon City.

Sa exclusive interview ng showbiz reporter na si MJ Felipe, ikinuwento ni Vice na papunta siya sa venue kung saan gaganapin ang birthday ng aktor na si Wendell Ramos nang mabangga ang kanyang sinasakyang kotse.

“Saturday night, actually, Sunday na ng madaling araw kasi mga ano na yon, mga 12:30 [a.m.] sa Katipunan, sa tapat ng gasoline station paglabas ng subdivision namin pa U-turn ng UP. Papunta ako no'n ng BGC kasi magkikita kami ni Vhong [Navarro] dahil birthday ni Wendell Ramos kaya nasa kalsada ako.

“Mga bandang 12:30 [a.m.] kalalabas-labas pa lang nung gate ng subdivision namin no'n, so nagke-Candy Crush lang ako no'n 'tapos, narinig ko parang may sumabog na bomba sa likod ko, yung ang lakas-lakas talaga. Biglang, 'Oh my God,' ganun ako agad. 'Tapos, pag ano ko, yung security ko napamura na. Sabi ko anong nangyari? Binuksan ko yung bintana, pagbukas ko ng bintana, yung mga sasakyan magkakaganun na.”

Paglalahad niya, isang truck ng kilalang courier ang puno't dulo ng naturang karambola.

“Ang nakita ko, yung Lalamove truck nakabunggo siya dun sa Benz, 'tapos yung Benz, nakabunggo pa sa isang kotse. Tapos sa likod ko pala, meron pa. Pangalawa pala akong kotseng binunggo niya.”

Ayon kay Vice, ligtas naman siya at wala umanong kahit isang injury dahil sa tibay ng kanyang sasakyan na Cadillac Escalade.

“Wala kasi yung sasakyan ko, sobrang tigas daw no'n. Yung sasakyan ko kasi Cadillac Escalade sobrang tigas daw no'n. Kaya nung nakita nila, sabi nila, sa sobrang tigas ng kotse mo na nawasak yung likod, ibig sabihin sobrang lakas nung bangga. Sobrang ganda nung sasakyan na yon na hindi ako, walang windang. Yung tunog lang na malakas na malakas,” paliwanag niya.

@maricar190 Vice Ganda car collided, keep safe Vice, buti na lang wlang nangyari sayo🙏🥰 for the first time kita makita sa ganito pa pagyari ❤❤❤ #viceganda ♬ original sound - Rumarie Carulla

Nakiusap naman si Vice sa management ng kilalang courier na sana ay tulungan at samahan nila ang driver sa mga legal na proseso na kakaharapin nito.

“Nakakaawa rin, 'di ba? Paano niya sasagutin yung Cadillac at Mercedes Benz at may dalawa pa siyang nabangga. Paano, 'di ba? Kaya pakiusap ko sana tulungan naman nila yung driver. Tulungan nung contractor niya, at saka nung Lalamove tutal malaking kumpanya naman yun, 'di ba? Siyempre, tulungan 'di ba?”

Nagdesisyon naman si Vice at ang may-ari ng Mercedes Benz na magsampa ng demanda upang mapanagot ang taong responsable para sa naturang aksidente.

“Yung may-ari nung Benz, siyempre, naniniwala sila na mayroong accountability. Siyempre, meron dapat sumagot. Magsasampa sila ng demanda, so ako rin, magsasampa rin ako. Kasi, hindi naman pwedeng ganun-ganun lang, 'di ba? Someone is accountable pero sana bigyan naman ng assistance nung Lalamove at nung contractor niya, 'wag naman iwanan mag-isa yung driver.”