
Nagsalita na ang It's Showtime host na si Vice Ganda tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng kaniyang anak-anakan na si Awra Briguela.
Matatandaan na kamakailan ay nasangkot sa isang gulo si Awra sa isang bar sa Poblacion sa Makati, na naging dahilan ng kaniyang panandaliang pagkakakulong.
Matapos ito, naging usap-usapan na nagbitiw na umano si Vice bilang manager ni Awra dahil sa naging eskandalo.
SILIPIN ANG FIERCE LOOKS NI AWRA BRIGUELA SA GALLERY NA ITO:
Sa panayam ng showbiz journalist na si MJ Felipe kay Vice, nilinaw ni Vice na hindi totoong binitawan niya na si Awra bilang kaniyang talent.
Aniya, “Alam mo nagtataka ako kung saan nila nakukuha. One, no one asked me, ikaw lang ang nagtanong sa akin. I was not interviewed by anyone so nagtataka ako kung saan nila nakukuha 'yung chikang iniwan ko si Awra. Na-interview ba nila si Awra?”
Pahayag pa ni Vice, “Kasi si Awra cannot be interviewed by anyone, bawal kasi siya ma-interview. Kaya grabe talaga 'yung clout-chasing, 'yung para magamit 'yung pangalan ko, 'yung pangalan ni Awra.”
Nang tanungin kung paano niya hinarap ang naging isyu ni Awra, ito ang naging sagot ni Vice, “Pinagpahinga ko muna siya ng ilang araw... para mahimasmasan. Tapos ako rin papahupain ko kasi siyempre galit din ako, mainit din ang ulo ko.”
Ibinahagi rin ni Vice na nakausap niya na ang ama ng batang aktres. Aniya, “'Yung usapan na 'to, everything is coming from concern, love and support.”
Paglilinaw ni Vice, hindi niya iiwanan si Awra lalo na sa panahon ngayon na may pinagdaraanan ito.
“Ang gusto kong klaruhin ay hindi kami naghihiwalay ni Awra. Hindi ko siya iiwanan lalung-lalo na sa posisyon ng buhay niya, she needs guidance and I will be there for her,” ani Vice.
Pagbabalita naman ni Vice sa lagay ni Awra ngayon, “She's okay. She's trying to be better every day.”