
Dalawa sa mga unang bumisita sa burol ng GMA Integrated News pillar na si Mike Enriquez ang dati niyang mga kasamahan sa trabaho na sina Karen Davila at Bernadette Sembrano.
Ayon kay Karen, simula nang makilala niya si Mike halos tatlong dekada na ang nakakaraan ay itinuturing na niya itong kaibigan.
"I met Mike when I was 24 years old, at siya 'yung una kong naging co-anchor, limang taon kami magkasama sa programang Saksi," pagbabalik-tanaw ni Karen sa interview ng GMA News.
"Pero alam mo, higit sa lahat, hindi lang siya co-anchor sa akin. Si Mike is always a friend. Napakadali niyang kasama, wala siyang yabang, parati siyang nagpapatawa, masaya siya."
Sa huli, sinabi ni Karen na ramdam ng buong industriya ang pagkawala ni Mike.
"Mike, all I can tell you right now, is we feel the loss in the industry. You've made so many friends who loved you. And, I know, you're in heaven right now, and you're just so valued," mensahe ni Karen.
"So, Mike, I love you very much, and take care."
“MIKE WAS ALWAYS A FRIEND”
-- GMA Integrated News (@gmanews) August 31, 2023
Ganito inilarawan ni Karen Davila ang yumaong broadcaster na si Mike Enriquez. Panoorin sa video na ito ang kanyang mensahe. pic.twitter.com/sOvdZ9qqEO
Dumalaw rin sa burol ni Mike ang nakasama niya rin sa Saksi na si Bernadette.
"I guess, sometimes, ang naaalala natin ay 'yung ingay, ang pagiging kuwela ni Booma. Quietly, nandoon 'yung kanyang courage, 'yung valor na hindi niya ipinagyayabang," saad ni Bernadette.
"Para sa akin, 'yun 'yung kagandahan ng pagkakaalala ko kay Mike Enriquez."
“NANDOON 'YUNG COURAGE, 'YUNG VALOR NA HINDI NIYA IPINAGYAYABANG.”
-- GMA Integrated News (@gmanews) August 31, 2023
Para kay Bernadette Sembrano, isa ito sa mga katangian ni Mike Enriquez na pinakatumatak para sa kanya. Panoorin ang video. pic.twitter.com/AnvH2XXjWt
Ayon kay GMA Network Senior Vice President and Head of GMA Integrated News, Regional TV & Synergy Oliver Victor Amoroso, magkakaroon ng public viewing ang mga labi ni Mike sa Christ The King Parish bukas, Setyembre 2.
"Sa pahintulot ng kanyang pamilya, magkakaroon ng pagkakataon ang mga nagmamahal kay Mike C. Enriquez na masilayan ang kanyang mga labi sa Christ The King Parish, Greenmeadows sa darating na Sabado, Setyembre 2, 2023, mula 8:30 AM hanggang 3:00 PM," anunsyo niya sa Facebook.
Inaanyayahan rin ng pamilya ang mga gustong makiramay na mag-donate sa GMA Kapuso Foundation imbes na magpadala ng bulaklak.
Pumanaw si Mike noong Miyerkules, August 29. Siya ay 71 taong gulang.
BALIKAN ANG KANYANG LEGACY SA MAHIGIT LIMANG DEKADA SA INDUSTRIYA SA MGA LARAWANG ITO: