GMA Logo the voice generations coaches
What's Hot

Chito Miranda, puring-puri sina Julie Anne San Jose at Stell ng SB19

By Kristian Eric Javier
Published September 6, 2023 9:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

the voice generations coaches


Alamin ang mga bagay na hinangaan ni Chito Miranda sa kapwa 'The Voice Generations' coach na sina Julie Anne San Jose at Stell ng SB19.

Hindi napigilan ng The Voice Generations coach na si Chito Miranda na bigyan ng papuri ang kapwa niya coach na sina Julie Anne San Jose at Stell ng Filipino boy band SB19 para sa kanilang mga ginagawa bilang artists.

Sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi ni Chito na nire-repost niya lahat ng mga ginagawa ni Julie na tingin niya ay “brilliant.”

“I cannot help but give her praise na, 'tingnan mo 'tong siraulong to galing talaga oh.' And tawag ko nga sa kanya honor student, kasi during taping pinapakita niya talaga bakit siya professional,” kuwento ni Chito.

Ibinahagi rin ng Parokya ni Edgar frontman kung papaano siya bumilib kay Julie noong may pinabago ng konti sa kinanata nito at bumanat ito ng “totally ibang melody.”

“Sabi ko, 'iba talaga 'tong batang 'to, talagang yabang nakakainis ang galing e! Sobrang galing.'"

BALIKAN ANG PREMIERE NG 'THE VOICE GENERATIONS' SA GALLERY NA ITO:

Samantala, para kay Chito ay isang “revelation” naman ang kanyang kapwa coach na si Stell ng SB19. Aminado siya na pamilyar siya kay Julie, kay Billy Crawford, at sa buong SB19, but not as individuals.

“So nu'ng sinabi na may kasama kami from SB19, all I knew of him was member siya,one of the five parang ganu'n. Tapos una no'ng mga first meetings medyo, 'uy karangalan ko na makasama kayo,' ganu'n lang, the normal kid giving praises na, 'masaya po kami na kasama dito',” pagbahagi ni Chito.

“Pero as time went by, habang nagte-taping nagpo-progress 'yong taping, alam mo sinabi ko talaga sa kaniya, 'Pare, ikaw 'yong bubuhat ng show. Galing mo.' Everything that he does is so funny or so sincere,” pagpapatuloy nito.

Dagdag pa ni Chito, bukod sa talent ni Stell sa pagkanta at pagsayaw ay hinahangaan din nito ang wisdom ng nakababatang coach.

“Matutuwa ka how humble the guy is or how full of wisdom, wisdom na hindi matanda e. Parang hindi... alam mo 'yong nagbigay sa'yo ng [advice] parang such a good friend when he talks,” sabi nito.

“I just find him amazing.”

Pakinggan ang buong interview ni Chito dito: