
“Nothing but good news.”
Ganyan inilarawan ng Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda ang kondisyon ng kanyang bandmate na si Gab Chee Kee. Ito ay matapos maospital ni Gab dahil sa pneumonia na dala ng mga komplikasyon dahil sa kanyang lymphoma.
Sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, masayang ibinalita ni Chito na mukhang magla-last session na si Gab sa kanyang chemo therapy.
“Everything looks fine. After ng last chemo next chemotherapy niya after one-month checkup, maka-back to normal na lahat,” sabi nito.
Dagdag pa nito, “Everytime ina-update kami ng girlfriend niya, ng partner niya, ganiyan si Gab, sobrang nakakatuwa, sobrang nakakatuwa.”
Ngunit kahit na unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ni Gab, inamin ni Chito na tuloy pa rin ang panalangin nila, at sinabing iintayin muna nila na doktor ang mismong magsabi na okay na talaga ang kanyang kabanda.
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG MGA CELEBRITIES NA NAKA-SURVIVE MULA SA CANCER:
Noong April, ibinahagi rin ni Chito sa isang Instagram post na nakasama na rin nila tumugtog sa entablado si Gab sa isang gig. Inamin noon ni Chito na kahit overwhelmed siya na makasama uli ang bandmate sa stage ay nag-aalala pa rin siya sa kalagayan nito.
“[Don't] worry, nagpaalam sya sa doctor [niya], at may kasama [siyang] nurse buong time,” pagbahagi nito.
Sa interview ni Chito sa Updated with Nelson Canlas ay nagpasalamat din siya sa lahat ng mga tumulong at nagdasal para sa paggaling ni Gab.
“Naku sobrang laking bagay kasi talagang without them wala na talaga si Gab ngayon, it's such a big help na na-overcome niya 'yon with the grabeng medical expenses nagtulong tulong lahat,” sabi nito.
Noong January, inanunsyo ni Chito na sila at ang ibang mga kaibigan nilang banda, ay magsasagawa ng mga fund raising gigs para matulungan si Gab. Bukod pa rito ay nag-auction din si Chito ng ilang mga memorabilla ng banda para maka-ipon.
“Talagang mga ka-bandmates ko they put in so much effort. Hindi lang bandmates ko, bands like Kamikazee, kahit mukhang mga basagulero 'yong mga 'yon talagang they made so many gigs all for Gab,” sabi ni Chito.
Dagdag nito, “We are surrounded by people that care for our band so much, not just Gab for the whole band.”
Pakinggan ang buong interview ni Chito Miranda dito: