
Isa ang tambalang Allen Ansay at Sofia Pablo na kilala bilang AlFia sa celebrities at social media stars na dumalo sa TikTok Awards PH 2023.
Magkasabay na dumating ang dalawa sa naturang big event.
Suot ang kanyang modern Filipiniana gown, talaga namang angat ang kagandahan ng Sparkle actress na si Sofia.
Pumunta naman ang Sparkle actor si Allen sa event suot ang kanya namang modern barong.
Ilang kapwa celebrities nila at TikTok influencers ang nakita, nakaharap, at nakasama ng AlFia.
Bukod pa rito, nagpakilig sina Allen at Sofia habang magkasama silang kinukuhanan ng litrato ng GMANetwork.com.
Ang AlFia ay isa sa Kapuso love teams na paborito ng Pinoy viewers.
Si Sofia ay mayroon nang 9.2 million followers sa TikTok, habang si Allen naman ay mayroon na ngayong 3.8 million followers sa naturang video-sharing application.
Samantala, abangan ang resulta sa naganap na awards night ng video-sharing platform na TikTok.