GMA Logo seb pajarillo
source: sebpajarillo/IG
What's Hot

Seb Pajarillo, planong magtayo ng sarili niyang negosyo

By Kristian Eric Javier
Published September 9, 2023 12:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

seb pajarillo


Bukod sa pagiging aktor, aspiring businessman din si Seb Pajarillo. Basahin dito:

Kahit busy ang aktor at Sparkle Artist na si Seb Pajarillo, nagagampanan pa rin nito ang pinaka-importanteng role niya, ang maging estudyante.

Kahit pa nagshu-shoot ito ng action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay ongoing pa rin ito sa pag-aaral at ngayon ay fourth year college na.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Seb na kumukuha siya ngayon ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurial Management. Ayon sa binatang aktor, kinuha niya ang kursong ito dahil sa kanyang pamilya.

“I think it's a family trend na po sa 'min na kumuha ng business. Like 'yung father ko po, before po siya mag-venture sa other careers, he was actually in the business of buying and selling cars, and 'yung kuya ko naman, bago siya naging seaman, naalala ko nagba-buy and sell naman po kami ng mga shoes,” pagbabahagi nito.

Dagdag pa ng aktor, “I think dun na po nakuha 'yung trend na gusto ko rin pong tumayo ng sarili ko rin pong business and that's why I took that course po.”

MAS KILALANIN PA SI SEB SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Seb ay nakuha na niya ang takbo ng showbiz at student life kaya napagsasabay niya ang dalawa. Dagdag pa nito ay natutunan din niyang i-prioritize kung ano ang kailangan niyang unahin.

Nang tanungin naman siya kung anong business ang gusto niyang itayo someday, ang sagot nito, “Ang una ko talagang naisip o 'yung mga pinaplano ko when I have the capital for the business is to probably create my own podcasting studio.”

Ibinahagi ni Seb na gusto niyang ipa-rent ang studio someday sa aspiring podcasters para matulungan silang magsimula.

“Alam naman natin ngayon, sa society natin, madaming gustong magtayo ng podcast but hindi nila alam kung paano gumawa ng podcast and I want to be that first step for those people,” sabi nito