Article Inside Page
Showbiz News
Spend your Friday afternoon with Kapuso teen stars Joyce Ching, Krystal Reyes, and Mariel Pamintuan.

Spend this Friday afternoon with your favorite Kapuso teen stars - Joyce Ching, Krystal Reyes, and Mariel Pamintuan.
Maaari kayong magtanong sa inyong paboritong young ladies through the Live Chat from 2 p.m. to 4 p.m.
Nakilala si Joyce Ching sa kanyang mga pagganap bilang bida at kontrabida sa iba’t ibang proyekto tulad ng
Anna Karenina,
Dormitoryo, at
Paraiso Ko’y Ikaw. Gumaganap siya bilang Crystal sa Afternoon Prime show na
Villa Quintana.
“The Bright Child Actress” ang naging bansag sa Kapuso young actress na si Krystal Reyes. At a young age, kinakitaan na ng husay si Krystal sa pag-arte kaya’t naging sunod-sunod ang kanyang mga proyekto.
Nakasama si Krystal sa iba’t ibang series tulad ng
Bakekang,
Rosalinda,
Mga Mata ni Anghelita,
Anna Karenina, at ang
Carmela, kung saan nakatrabaho niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Isang pangarap para kay Mariel Pamintuan ang pag-aartista. Kuwento ng dalaga, nagpupunta sila ng kanyang ina sa iba’t ibang audition hanggang sa naging isa siyang commercial model. Dahil sa kanyang pagpupursige, pinag-workshop siya ng kanyang ina, para gumaling sa pag-arte. Di nagtagal, nakuha ni Mariel ang role na Mila sa Afternoon Prime show na
Magkano Ba Ang Pag-Ibig? kasama si Heart Evangelista.
Makipagkwentuhan online kina Joyce Ching, Krystal Reyes, at Mariel Pamintuan ngayong May 30 sa GMANetwork.com/livechat.
-Text by Maine Aquino, GMANetwork.com