
Magdadalawang dekada na nang sumali ang versatile actress na si Nadine Samonte sa first season ng groundbreaking reality-based artista search na StarStruck.
Sa unang batch ng StarStruck, itinanghal na Ultimate Male and Female Survivor sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.
At ngayong bumalik sa pag-arte si Nadine sa afternoon series na The Missing Husband, mas espesyal ang kaniyang showbiz comeback lalo na at suportado pa rin siya ng kanyang mga fans.
THE LIFE OF NADINE SAMONTE OUTSIDE SHOWBIZ:
Sa post ni Nadine sa Instagram Story last week, nagpasalamat siya sa dalawa niyang supporters na nakita niyang muli matapos ang mahabang panahon.
Sabi pa ng celebrity mom, “Love ko sila kasi StarStruck days palang andyan na sila to support me.
“Grabe 'yung pagmamahal at pagsuporta nila sa akin. Love you both @joyantweens Joy and Ann. Nice to see you again after how many years. Hindi pa rin kayo nagbabago.”
Kasama ni Nadine sa The Missing Husband sina Yasmien Kurdi, Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, at Rocco Nacino.
Diniderehe ng Kapuso director na si Mark Reyes ang naturang drama series na mapapanood tuwing 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.