
Si Taylor Swift ang tinaguriang top winner sa katatapos lang na 2023 MTV Video Music Awards na ginanap nito lamang Martes, September 12.
Naganap ang big awarding event sa Prudential Center sa Newark, New Jersey.
Humakot ng siyam na awards si Taylor kabilang na rito ang Artist of the Year, Video of the Year, at Song of the Year mula sa kaniyang Midnights single album na Anti-Hero.
Bukod pa rito, nakuha rin niya ang iba pang awards gaya ng Best Direction, Best Cinematography, Best Visual Effects, Show of the Summer, Album of the Year, at Best Pop.
Sa kaniyang pag-akyat sa stage ng event, nagkaroon pa ng fangirl moment ang American singer-songwriter.
Ang mismong reunited '90s boy band kasi na NSYNC ang mismong nag-abot ng trophy kay Taylor.
Sa mga oras ding iyon, nagbigay ng speech si Taylor tungkol sa awards na kaniyang natanggap, “I really love making pop music. So, Thank you, so, so, so much.”
Samantala, ilang kilalang music personality rin ang nakatanggap ng parangal sa MTV VMAs.
Kabilang na rito ang kaibigan ni Taylor na si Selena Gomez, na nakatanggap ng Best Afrobeats award para sa remix nila ng Afro beat star na si Rema.