GMA Logo Dennis Trillo
What's Hot

Dennis Trillo, nag-share ng isa sa kanyang 'what ifs'

By Marah Ruiz
Published September 14, 2023 2:44 PM PHT
Updated September 14, 2023 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo


Kahit si Kapuso Drama King, may mga tanong din sa sarili tungkol sa consequences ng mga bagay na hindi nangyari. Alamin ang kanyang "what if" dito:

Dumadapo rin pala sa isip ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ang ilang "what ifs" sa kanyang buhay.

Ang "what ifs" ay mga tanong sa sarili tungkol sa consequences ng mga bagay na hindi nangyari.

Ibinahagi ni Dennis ang isa sa kanyang mga "what ifs" ng kanyang buhay sa kanyang Instagram account.

"What if hindi ako natutong umarte at hindi ako nag artista?" bahagi niya.

Matatandaang walang kinalaman sa pag-arte ang kursong kinuha ni Dennis sa kolehiyo na International Studies. Sa katunayan, nagtrabaho pa nga siya sa isang telecoms company bago mag-audition sa isang television network.

Bago nito, pagbabanda ang passion ni Dennis.

Matapos ang mahigit 20 years sa showbiz, isa na siya sa mga tinitingalang aktor sa industriya.

Ibinaling naman ni Dennis ang tanong sa kanyang followers.

"Ikaw, ano ang what if mo?"

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)


Nakatakdang bumida si Dennis sa upcoming romance drama series na Love Before Sunrise.

Makakapares niya dito si multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo, kasama ang powerhouse actors na sina Sid Lucero at Andrea Torres.

Iikot ang kuwento ng serye sa maraming "what ifs" ng dalawang taong nagkaroon ng "right love at the wrong time."

Ang Love Before Sunrise ay mula sa GMA Entertainment Group at ito ang pangalawang serye na bunga ng historic collaboration ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.

NARITO ANG EXCLUSIVE FIRST LOOK SA MGA KARAKTER NINA DENNIS TRILLO AT BEA ALONZO SA LOVE BEFORE SUNRISE: