
Patuloy ang pamamayagpag ng tinaguriang P-pop kings na SB19 hindi lang sa Pilipinas kung 'di pati sa ibang mga bansa.
Patunay dito ang kanilang viral hit song na “Gento” na ginawang dance craze sa bansa at ngayon ay tinatangkilik na rin maging ng ilang Korean pop stars.
Sa “Chika Minute” report ni Cata Tibayan para sa 24 Oras, mapapanood ang video clips ng K-pop stars na kumasa sa “Gento” dance challenge.
Kabilang dito ang main dancer ng Super Junior na si Eunhyuk, South korean singer, rapper, at dating 2NE1 member na si Minzy, Jungwon ng ENHYPEN, Juyeon at Sun Woo ng The Boyz, si San ng Ateez, Kep1er member na si Daeyon, maging si Sparkle star na si Chanty at kaniyang fellow member na si Yue.
Sa panayam ni Cata sa main choreographer ng SB19 na si Stell, ibinahagi nito na bagamat marami na rin ang nakakakilala sa kanilay ay “one step forward” pa lamang daw ito ng pagpapakilala nila sa mundo ng kanilang grupo.
Aniya, “Hindi pa naman masabi na napakilala na namin ang SB19 sa lahat ng tao sa buong mundo, parang hindi pa naman totally. Pero dahil sa ginawa namin, it's just a small step, one step forward para ma-promote pa lalo si SB19 sa locals and sa foreign.”
BALIKAN ANG NAGING STREET PERFORMANCE NG SB19 SA HOLLYWOOD BOULEVARD DITO:
Samantala, mapapanood naman si Stell bilang isa sa coaches ng The Voice Generations sa GMA kasama sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Chito Miranda, at host nito na si Dingdong Dantes.