GMA Logo Kate Valdez
What's on TV

Kate Valdez, palaban sa PH version ng 'Shining Inheritance'

By Dianne Mariano
Published September 21, 2023 11:02 AM PHT
Updated August 29, 2024 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez


Isa si Kate Valdez sa lead stars ng upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na 'Shining Inheritance.'

Ipinakilala na ang star-studded cast ng upcoming Philippine adaptation ng hit K-drama series na Shining Inheritance sa naganap na story conference kamakailan.

Ang Shining Inheritance ay kilala rin bilang Brilliant Legacy na napanood sa Kapuso network noong 2009.

Isa sa lead stars ng upcoming series ay ang Sparkle actress na si Kate Valdez.

Related content: TRIVIA: Things you need to know about Kate Valdez

Sa “Showbiz Saksi” report ni Nelson Canlas, ibinahagi ni Kate na palaban ang kanyang gagampanang karakter sa Philippine adaptation ng Shining Inheritance.

"Palaban po 'yung character ko rito pero hindi pa-kontrabidang palaban. Palaban siya because [of] survival instincts," pagbabahagi niya.

Samantala sa panayam ng GMANetwork.com, masaya si Kate na mapabilang sa cast ng Shining Inheritance at excited na siyang makatrabaho ang kanyang co-stars.

"Excited ako and I feel so blessed and happy na isa po ako sa napili na mag-portray ng isang role dito sa Shining Inheritance. Excited ako sobra na makatrabaho 'yung mga actors na hindi ko pa nakakatrabaho. Mostly dito, si Kyline and si Paul pa lang 'yung nakaka-work ko and the rest hindi pa. So I'm very excited and happy and blessed,” aniya.

Ayon pa kay Kate, kabilang sa kanyang gagawin na paghahanda para sa role niya sa serye ay ang pagsailalim sa acting workshop.

“Memorizing the script, familiarization, workshop, and relationship workshop with the other actors din,” ani ng Kapuso star.

Ang Shining Inheritance ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, , Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.

Makakasama ni Kate sa Shining Inheritance sina Coney Reyes, Glydel Mercado, Wendell Ramos, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charlize Ruth Reyes.

Abangan ang Shining Inheritance, soon sa GMA.