Showbiz News

Michael Sager, nakaramdam ng pressure sa kanyang role sa PH version ng 'Shining Inheritance'

By Dianne Mariano

Mapapanood sa GMA Network ang upcoming Philippine adaptation ng hit K-drama series na Shining Inheritance.

Ang nasabing serye ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.

Kabilang din sa stellar cast ng upcoming series sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charlize Ruth Reyes.

Sa katunayan, nagkita-kita ang ilang cast members sa naganap na story conference noong September 18.

Related content: Cast ng PH adaptation KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference

Sa interview ng GMANetwork.com, inamin ni Michael na nakaramdam siya ng pressure sa kanyang role sa serye ngunit labis ang pasasalamat niya na naging bahagi nito.

“Noong nag-screen test ako for this show, I watched the K-drama. Sabi ko, 'Ano ba 'tong show na ito?' First, I watched it lang to get a gist of it pero na-addict ako sa show, as in ang ganda niya, natapos ko 'yung buong series," aniya.

“So noong na-announce na nakuha ko na 'yung role, grabe like until now pagpasok, kinakabahan ako kasi it's such a great project. And for me, there's pressure but I'm just so excited and thankful to be a part of it.”

Ayon pa kay Michael, excited na rin siyang makatrabaho ang iba pang cast ng serye.

“Na-excite ako kasi si Ms. Coney Reyes, pinapanood ko when I was younger. So obviously seeing her, nasa-starstruck ako and na-amaze and that I'll be working with her and the rest of the other cast. I'm excited and I could see na matagal ang pagsasama namin. So masaya na mga memories ang mangyayari sa set,” saad niya.

Bukod dito, ibinahagi rin ng Sparkle heartthrob ang kanyang magiging preparasyon para sa gagampanang karakter sa Shining Inheritance.

“For [the] preparation of this show, talagang I promised myself to keep the depth sa character ko. Gusto ko ipakita 'yung journey niya throughout the show and talagang invested sa story,” pagbabahagi niya.

Abangan ang Philippine adaptation ng Shining Inheritance soon sa GMA.