
Halatang excited ang primetime goddess na si Carla Abellana nang sabihin nito sa contract signing niya with All Access to Artists (o Triple A) na malaki ang chance na maka-work niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at Daddy's Gurl star Maine Mendoza.
Sa naturang contract signing at media conference, binanggit ng versatile actress at content creator ang ilan sa collaboration na puwede niya gawin kasama ang mga kapatid niya sa Triple A.
Lahad ni Carla, “Actually, mas malapit na ngayon!
“Mas may access na ako ngayon, mas may chance na ngayon 'di ba. Oh my gosh! Palapit na nang palapit 'yung aking pagkakataon na makatrabaho sila. Hindi naman ako sa nangangarap na magkapelikula kami o teleserye or what.
“Puwede naman na digital work 'di ba, puwedeng for social media, walang problema. Of course, isa 'yun sa mga nasa wishlist ko or nasa bucket list ko 'yung makatrabaho ko sila.
“Sana, of course, ito na 'yung magbukas ng hindi lang door or window lahat na of opportunity.”
Pagpapatuloy niya, “I'll be so happy if I were given that chance talaga 'di ba like for example with Marian again puwede naman drama, puwedeng social media.”
Nagbigay din ng ilang detalye si Carla sa brand-new soap niya na Stolen Life at dito ay pinuri niya ang kaniyang co-star na si Beauty Gonzalez. Inilarawan pa niya si Beauty bilang isang “passionate artist."
Aniya, “Working with Beauty Gonzalez has been such, oh my gosh!, a wonderful experience. I've learned so much from her. Napaka-passionate na artista, maliit na eksena, malaking eksena bigay todo siya.
“Never half lang ang kaniyang performance, talagang todo! Ibang klase and talagang 'yung energy niya laging full, hindi siya nandadaya. Ayaw niya ng so-so 'yung kaniyang performance and she has taught me a lot about 'yung ano talaga 'yung importance nung aming trabaho.”
Source: carlaangeline (IG)