GMA Logo Alden Richards and Julia Montes in Five Breakups and a Romance
What's Hot

Five Breakups and a Romance official trailer, inilabas na

By EJ Chua
Published October 5, 2023 10:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman arrested for ‘abduction’ of fellow street dweller's toddler in QC
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Julia Montes in Five Breakups and a Romance


Panoorin ang full trailer ng upcoming movie nina Alden Richards at Julia Montes na 'Five Breakups and a Romance' DITO:

The wait is over! Inilabas na ang official at full trailer ng upcoming romantic movie na Five Breakups and a Romance.

Nito lamang Miyerkules, October 4, ginanap ang Red Carpet Gala para sa movie na pagbibidahan ng Asia's Multimedia Star at Kapuso star na si Alden Richards at ABS-CBN's Daytime Drama Queen na si Julia Montes.

Kasabay ng big event ay ang world premiere para sa official trailer ng pelikula.

Bukod kina Alden at Julia, natunghayan din ito ng kanilang co-stars, GMA Executives, members ng press, at pati na rin ang ilan sa kanilang supporters.

Ipinakita rito ang ilang makapigil-hininga na mga eksena nina Alden at Julia na talaga namang dapat abangan ng mga manonood.

Mayroong kissing scenes na ipinakita sa trailer habang ang ilan naman ay ang dramatic scenes ng dalawang aktor.

Maaaring mapanood ang full trailer ng movie sa video sa ibaba:

Ginagampanan ni Alden ang papel bilang si Lance, habang si Julia naman ay makikilala rito bilang si Justine.

Ang Five Breakups and a Romance ay isinulat at idinirek ni Direk Irene Villamor, ang direktor sa likod ng ilang successful Filipino films.

Sabay-sabay nating subaybayan ang kauna-unahang pagtatambal nina Alden at Julia para sa isang pelikula.

Sa darating na October 18, mapapanood na sa cinemas nationwide ang Five Breakups and a Romance.