What's Hot

Mikee Quintos, Paul Salas, at 7 pa, natangayan ng P8M sa crypto scam

By Marah Ruiz
Published October 5, 2023 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Kevin Durant's 39-point effort powers Rockets past Wolves
The fashionable looks of Kapuso stars in 2016
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas and Mikee Quintos


Natangayan ng aabot sa P8M sina Mikee Quintos, Paul Salas at 7 pang iba sa hinihinalang cryptocurrency scam.

Nagsampa ng kasong syndicated estafa sa fiscal ng Makati sina Kapuso stars Mikee Quintos at Paul Salas kasama ang pito pang tao na natangayan ng malaking halaga ng pera sa hinihinalang cryptocurrency scam.

Ayon sa mga nagrereklamo, hinikayat sila ng Cronus Holdings Corporation na palaguin ang kanilang pera sa crypto trading. Ipinangako daw ng kumpanya ng 5% ang compounding interest na makukuha nila kada buwan.

Nakuha pa ito ni Mikee sa isang taon niyang pag-iinvest. Kaya noong muli siya hinikayat na mamuhunan muli dito noong nakaraang May sa pangakong madodoble ang pera niya sa loob ng dalawang linggo, agad siyang nag-invest muli.

"Makalipas ang two weeks, three weeks, binigyan pa pa namin ng a month, wala na. Hindi na kami binalikan," lahad ni Paul.

"My future brother-in-law 'yung unang unang naging connected sa kanila. I think that's their modus din na aalagaan ka muna nila. You give sufficient amount or a big amount na more or less P8 million 'yung nakuha nila sa amin eh. Tinakbo na nila," dagdag ni Mikee.

Ayon sa abogado ng grupo nina Mikee at Paul, isa sa mga inirereklamong konektado sa Cronus Holdings Corporation ay nasa kolehiyo pa kaya susulat daw sila sa paaralan nito.

"This is syndicated estafa so this is life imprisonment. Approach us. We're willing to sit down and discuss this. Otherwise, we will push through with this case," pahayag ni Atty. Lance Tan.

Magsisilbi raw na lesson para kina Mikee at Paul ang karanasang ito.

"Siguro 'yung lesson na natutunan ko is huwag masyadong [magtiwala] 'pag too good to be true," ani Mikee.

"Pag-isipan ang investments. Huwag masyadong go agad," lahad naman ni Paul.

Image Source: paulandre.salas (Instagram)



Base sa ulat ni Jonathan Andal para sa 24 Oras, rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang Cronus Holdings Corporation.

Gayunpaman, nakasaad sa din sa certificate of incorporation ng kumpanya na hindi ito maaaring tumanggap ang investment ng walang secondary licence mula sa SEC.

Ang cryptocurrency ay isang uri ng digital o virtual pera. Ilan sa mga halimbawa nito ang Bitcoin, Ethereum at Tether.

Dahil nag-iiba iba ng value ng cryptocurrency, maari itong bilhin o ibenta sa cryptotrading.

Panoorin ang buong ulat ni Jonathan Andal para sa 24 Oras sa video sa itaas.