What's Hot

Saab Magalona, binugbog ng gatecrashers sa party

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 8:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News



Sa blog ni Saab, naglabas siya sa unang pagkakataon ng kanyang official statement sa nangyari.
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Binugbog ng umano’y lasing na gatecrashers si Kapuso actress Saab Magalona, anak ng pumanaw na rapper na si Francis M., sa party noong weekend sa isang hotel sa Kapitolyo, Pasig City.

Ayon sa report ng 24 Oras, nagkagulo sa party ni dating Eraserheads vocalist Ely Buendia, isang kaibigan ni Saab, dahil sa mga lasing na kalalakihang hindi naman imbitado. Dahil dito, nakiawat daw si Saab kaya’t nakasama siya sa mga taong nasaktan.

Sa blog ni Saab (spellsaab.juice.ph), naglabas siya sa unang pagkakataon ng kanyang official statement sa nangyari.

“Yes, I was punched on the head several times by an intoxicated man. The unruly gatecrasher was part of a group of uninvited guests to an intimate and private birthday celebration,” pahayag ni Saab.

Isinulat niya rin sa kanyang blog na nagkaroon siya ng trauma dahil sa pangyayaring iyon. “Despite the emotional trauma this has caused, I refuse to allow this incident to scar me. Instead, rest assured I will fight against violence — especially violence against women,” aniya.

Sa kanyang official Twitter account, nag-post si Saab tungkol sa kaharasan sa mga kababaihan. Narito ang kanyang tweet.



Ayon kay Pia Magalona na ina at tumatayong manager ng aktres, nakapag-file na raw sila ng police report sa Barangay Kapitolyo. Maayos na rin daw ang lagay ng kanyang anak matapos itong sumailalim sa medicolegal procedure.

Narito ang report ng Chika Minute