
Mapaghamon ang mga karakter na gagampanan nina Glaiza De Castro at Pokwang sa mystery-thriller film na Slay Zone kung saan ang isa sa highlights ay intense na pisikalan.
Sa interview kay Lhar Santiago ng 24 Oras, ibinahagi nina Glaiza at Pokwang ang excitement para sa unang pagsasamahang pelikula na idinidirehe ni Louie Ignacio.
"Ang surreal e. Parang hindi pa nagsi-sink in sa akin until nakita ko si Mamang noong [story conference] namin. Tapos noong nakaeksena ko na síya, 'Oh my gosh!' Parang nanginginig ako!" sabi ni Glaiza.
Challenging naman para kay Pokwang ang upcoming film. Ibinahagi rin ng batikang komedyante kung kumusta makatrabaho si Glaiza.
"Siyempre, nakakatrabaho mo si Glaiza talagang ang mga eksena nito sa mga teleserye niya laging nagte-trending."
Dagdag niya, "Hindi kami nagko-comedy po rito. Maganda ang mga eksena. Mahusay na bata ito (Glaiza). Ay! ibang klase ang mata ng batang ito."
Para naman kay Glaiza, "napakaalaga" sa set ni Pokwang. "Ang dami niyang baon. Tapos ang sarap ng mga kuwento niya."
Ibinahagi rin nina Glaiza at Pokwang na ngayon pa lang ay pinag-uusapan na nila ang pag-guest nila sa show ng isa't isa.
"Tawiran kami. Exciting!" pagbabahagi ni Pokwang.
Panoorin ang buong interview nina Glaiza at Pokwang kay Lhar Santiago ng 24 Oras sa video na ito: