
Sinagot ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ang pagbubuking sa kanya ng maybahay niyang si Jennylyn Mercado tungkol sa kanyang pagti-TikTok.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa aktres, sinabi niya na masikreto at nagtatago ang kanyang mister sa banyo kapag gumagawa ito ng content para sa trendy app.
May tugon naman dito si Dennis na idinaan niya sa isang nakakaaliw na Tiktok video.
Sa latest post ng Love Before Sunrise actor, dinub niya ang isang cover ng kanta ng bandang Dilaw na pinamagatang "Janice."
Sabi ni Dennis sa caption kalakip ang isang nakadilang emoji, "Nasa taping ako, hindi ako nagtatago at wala ako sa cr."
@dennistrilloph Haliparito P.S. Nasa taping ako, hindi ako nagtatago at wala ako sa cr😛 #fyp #foryoupage #goodvibesonly ♬ original sound - Geelzy - G E E L Z Y
Wala pang 24 oras, mayroon na agad 1.2 million views ang nasbabing TikTok video ni Dennis.
Komento tuloy ng isang follower, "Nung bata ako, akala ko walang humor si Dennis Trillo kasi ang ganap nya mga seryoso talaga e. pati mga guesting niya. ngayon, di ko kinakaya 😂."
Ilan sa mga nag-viral na TikTok videos ni Dennis ang 'Bakit malungkot ang beshy ko' entry niya kung saan nag-cartwheel bago nag-split ang aktor, pagsayaw ng "Price Tag" ala-Marian Rivera, pagsayaw habang naka-bow tie at puting sando, at ang pagsuway sa kanya ni Jennylyn bago makasayaw ng "Gento."
Sa ngayon ay may 1.1 million followers at 14.8 million likes na ang TikTok page ni Dennis.
NARITO ANG IBA PANG MALE CELEBS NA MAY MILYONG FOLLOWERS SA TIKTOK: