GMA Logo Mang Antonio Mendoza sa Kapuso Mo Jessica Soho
What's Hot

Lotto winner, makukuha na sa wakas ang napanalunang P12.3M makalipas ang 9 na taon

By Kristian Eric Javier
Published October 18, 2023 2:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IPC may duplicate functions of Ombudsman, DOJ —Palace
#WilmaPH accelerates slightly as it crosses Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Mang Antonio Mendoza sa Kapuso Mo Jessica Soho


Matapos ang matagal na paghihintay, makukuha na rin ang inaasam na panalo ng isang lotto winner.

Matapos ang halos isang dekadang pagdadasal at paghihintay, makukuha na rin sa wakas ni Mang Antonio Mendoza ang Php12,391,600 na napanalunan niya sa lotto noong 2014. Ikinuwento niya ang pinagdaanan proseso sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Noong 2014 ay tumaya si Mang Antonio sa lotto ngunit hindi niya ito nakuha noon dahil naplantsa ng kaniyang anak na si Roxanne ang nalukot na winning ticket, at nabura ang winning numbers at ang ticket serial number (TSN).

Ngunit nitong Marso lang ay nagbaba na ng desisyon ang Supreme Court patungkol sa napanalunan ni Mang Antonio.

Sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo, October 15, inanunsyo ng programa na nagdesisyon na ang Supreme Court na kailangan ibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang napanalunan ni Mang Antonio noong 2014.

Kuwento ni Mang Antonio ay sa anak pa niya mismo nanggaling na makukuha na niya ang kaniyang panalo.

“Sinabi niya sa akin, almost Friday ng gabi, 'Papa, may nag-send sa aking kaibigan, ibibigay na raw 'yung tama ninyo,'” pag-alala nito.

“'Imposible 'yan,' kako, hanggang sinend niya sa akin 'yung mga link, totoo na nga ito,” dagdag nito.

Ayon kay Fermina Panganiban, ang may-ari ng lotto outlet kung saan tumaya si Mang Antonio, ay mayroong certification galing sa PCSO na may tumama ng P12,391,600 sa outlet na iyon.

“Katunayan na iisa lang ang tumama sa buong Pilipinas nga, wala nang tumama kundi isa lang,” dagdag nito.

Kaya naman nagpatulong na si Mang Antonio sa kongreso, hanggang sa umabot ang kaniyang kaso sa Regional Trial Court sa Batangas. Ngunit kahit pabor kay Mang Antonio ang desisyon ng RTC ay dineny pa rin ito ng PCSO at inapela ito sa korte.

“Nanalo ka na sa RTC, may desisyon na ang congress na bayaran n'yo, may desisyon na ang court of appeals na bayaran n'yo, hindi n'yo pa rin binabayaran,” sabi ni Mang Antonio sa panayam ng KMJS sa kanya.

Inamin din nito na halos isang buwan siyang depressed noong tumama siya sa lotto, at sinabing malaki ang kaniyang panghihinayang.

BALIKAN ANG KUWENTO NG LOTTO WINNERS NOON NA NILOKO NG MGA KAMAG-ANAK DITO:

Para makatulong sa kaniyang mga magulang, naisip ng anak ni Mang Antonio na si Roxanne na mag-abroad at nagpunta ng Taiwan noong 2020 para maging isang factory worker. Bumalik din sa trabaho niya aborad bilang isang consultant sa isang power plant sa Africa si Mang Antonio.

Aminado rin si Mang Antonio na nawalan na siya ng pag-asang makuha pa ang kaniyang panalo at nabuhayan lang siya ng loob noong Supreme Court na ang nagbigay nag desisyon ukol dito.

Ngunit kahit Marso pa nagbigay ng desisyon ay hanggang ngayon, wala pang nakukuha sina Mang Antonio na sulat o abiso ukol dito.

Ayon kay Attorney Christoffer Allan Liquigan, Supreme Court na ang huling magbibigay ng desisyon at kailangan ito sundin.

Dagdag pa nito, “Maaaring ma-contempt 'yung agency, tao, o grupo na hindi sumusunod sa order ng ng isang korte.”

Ayon naman sa general manager ng PCSO na si Melquiades Robles ay wala pa silang natatanggap na formal decision mula sa supreme court, ngunit binigyan niya ng katiyakan sina Mang Antonio na ibibigay nila ang premyo.

“I would like to assure the family of Mr Mendoza that we'll do our best na mapadali ang pag-release sa inyo. It has been determined by the Supreme Court that you are a winner, so we will abide by that,” sabi nito.

Dagdag pa nito, “Ilang kembot na lang ho ito, malapit na po ito, konting tiis na lang po.”

Nang tanungin si Mang Antonio kung ano ang gagawin niya pag nakuha na ang napanalunan, ang sagot nito, “Unang-una, pauuwiin ko muna 'yung anak ko. Number two, negosyo, educational plan ng apo ko.”

“'Yung premyong iyon, sinabi ko na sa sarili ko na marami pa rin akong matutulungan,” sabi nito.

Panoorin ang buong interview ni Mang Antonio dito: