GMA Logo herlene budol
Source: kapusomojessicasoho/FB
What's Hot

Herlene Budol, maagang namulat sa pagtatrabaho

By Kristian Eric Javier
Published October 23, 2023 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol


Mula sa hirap, nakararanas na raw si Herlene Budol ng ginhawa ngayon.

Aminado si Herlene Budol na malayo na rin ang narating niya mula sa pagiging laki sa hirap.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soh nitong Linggo, October 22, ikinuwento ni Herlene ang kaniyang mga pinagdaanan bago pa man siya nakapasok sa pageantry at sa showbiz.

“Fifteen years old po nagtrabaho na 'ko, at saka pinag-aral ko po ýung sarili ko since high school until college po. Nakapagtapos po ako ng pag-aaral ko,” kuwento nito.

Nabanggit din ng Magandang Dilag actress minsan niyang sinabing 18 years old na siya noon para makapagtrabaho sa isang bar bilang isang waitress.

“'Yun po 'yung mga panahon na umiinom po ako ng alak ng hindi ko naman gusto. Nang-uuto po ako ng mga manginginom dun, 'tapos, halimbawa, sha-shot din ako, mangti-tip din sa 'kin,” kuwento nito.

Kaugnay nito, nagpapasalamat ang beauty queen-actress sa kaniyang mga guro noon sa pag-intindi sa kanya tuwing nakakatulog siya sa klase dahil sa puyat o sa kalasingan.

Ayon kay Herlene, nagpursigi siyang magtrabaho dahil ayaw na niyang gutumin ang sarili.

“Tapos na 'ko sa part na ginugutom ko 'yung sarili ko nung elementary ako kasi tinitipid ko 'yung pera ko para may maganda akong outfit nung Pasko,” sabi nito.

TINGNAN KUNG PAANO BINALIKAN NI HERLENE ANG BUHAY NIYA NOON SA GALLERY NA ITO:

Sa parehong interview, napag-usapan din ang kanyang broken family.

“Feeling ko naman ho talagang hindi sila ho para sa isa't isa. Kasi, na-gin bilog lang daw po 'yung papa ko kasi 'yung mama ko dati. Kumbaga, nabuo lang daw po ako dahil sa alak, sabi. Triny daw po nilang magsama kaso hindi talaga ho,” sabi nito.

Ayon pa kay Herlene, naging mas mabuti lang ang sitwasyon noon ng kaniyang pamilya nang magdesisyon ang mga magulang niyang maghiwalay.

“Mas naging maganda po 'yung pagsasama namin nu'ng naging mas magkaibigan na lang po sila, kumpara sa maging mag-jowa kasi pag naging mag-jowa 'yan... Naku, may lilipad na naman na mga kaldero,” sabi nito.

Dagdag pa niya, para siyang badminton na pinagpasahan ng kaniyang mama at papa, kaya rin niya na-isip na magtrabaho na lang.

“Mahirap po ng walang sariling pera. Nung na-realize ko na pwede naman na akong kumita ng sarili ko dahil mukha naman akong matured at saka malaki akong tao, [nagsimula na magtrabaho]” kuwento nito.

Ngayon ay may sarili ng bahay at sasakyan si Herlene, at paupahang bahay, na ayon sa kanya at katas ng Magandang Dilag.

“Nagpupundar lang po, at saka meron na po akong mga hinuhulugang lupa. 'Yun pa lang po 'yung napundar ko dahil sa Magandang Dilag,'” kuwento nito.

“Kaniya-kaniyang oras lang po talaga. Hindi po natin masasabi 'yung panahon din atsaka 'yung nakatadhana sa isang tao,” dagdag nito.

Panoorin ang buong interview ni Herlene sa KMJS dito: