
Mabilis na nag-trend online ang pagpapakilala kay Bianca Umali bilang isa sa mga bagong Sang'gre.
Noong Lunes (October 23), matapos ang pag-anunsyo kay Bianca sa 24 Oras bilang bagong Sang'gre ay agad na nag-trend sa X (dating Twitter) ang hashtag na "Sanggre" at maging ang "Encantadia" at pangalan ni "Bianca Umali."
Bianca Umali, Encantadia, and #Sanggre are Trending in Philippines (as of half past the hour of nine). pic.twitter.com/jnAsYRAMn2
-- Encantadia SAGA (@EncantadiaSAGA) October 23, 2023
Can't think of any other actress perfect for the role, but Bianca Umali alone. Sayong sayo talaga yan! Very deserving to be #Sanggre Danaya's daughter - TERRA. Congrats Sister-in-faith!
-- Johne Lendel Vasquez (@itsmelendel) October 23, 2023
Excited to watch this Encantadia Chronicles. Thanks @gmanetwork @SuziDoctolero Direk Mark. pic.twitter.com/1I9rGb1kfh
Ang mga tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa 🍂⛰️🪵 #Sanggre #Encantadia pic.twitter.com/uEuJFLqwEf
-- @pauloinmanila and 99 others (@pauloMDtweets) October 23, 2023
Bianca Umali is Sanggre Terra in Encantadia Chronicles Sanggre 🍂🤎#Sanggre pic.twitter.com/tFX4I1unez
-- Ruca 💛🤍 (@rucaislove) October 24, 2023
AVISALA, REYNA AMIHAN 🤎🍂💙🌬#Encantadia #Sanggre #BiancaUmali pic.twitter.com/VXzO2E9XX4
-- Mylene (@Kapuso_lyn) October 23, 2023
Bagay na bagay kay maging isang #Sanggre Isa si Bianca Umali sa mga artista ng GMA na talagang pang fantaserye din ang ganda lalo pa at magaling din sya umarte.🔥😘💯
-- Kyle Garcia (@maestorm8) October 23, 2023
Bagay ang role ni Bianca Umali as anak ni Sangre Danaya,
-- Izzy Mint (@JustmeIzma) October 23, 2023
Excited nako sa iba pang ipapakilalang cast 😭 so exciting #EncantadiaS2 #Sanggre
Sa Sang'gre, ang continuation ng iconic telefantasya ng GMA na Encantadia, makikilala si Bianca bilang Terra ang nawawalang anak ni Sang'gre Danaya na lumaki at namuhay sa mundo ng mga tao.
Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, ibinahagi ni Bianca na kung may brilyante siya na gusto talagang makuha, ito ay ang brilyante ng lupa.
"Lupa talaga. When I used to watch Encantadia I was always drawn to Danaya, which was Ms. Daina Zubiri, ever since," kuwento ni Bianca.
Pagpapatuloy niya, "I think it was because siya 'yung... it was her color, si Danaya kasi is very headstrong, and siya 'yung pinaka-rational sa kanilang apat.
"Kaya nu'ng malaman ko rin na brilyante ng lupa 'yung mapupunta sa akin, I think it's in the stars. I would like to believe.
"Mga Kapuso muli po ito po si Bianca Umali at iniimbitahan ko po kaya na sana abangan, panoorin, at mahalin po ninyo ako bilang si Terra sa Sang'gre, ang bagong tagapangalaga ng brilyante ng lupa."
Abangan ang iba pang gaganap na mga bagong Sang'gre ng new generation soon sa GMA.
BALIKAN ANG MGA GUMANAP NA SANG'GRE SA ENCANTADIA 2016 SA GALLERY NA ITO: