
Isang buwan matapos magsimula ng drama romance series na Love Before Sunrise, sinabi ng mga lead stars nitong sina Bea Alonzo at Dennis Trillo na marami pa ang dapat abangan sa kanilang serye.
“Marami pa, marami pang dapat abangan kasi kung akala niyo 'yun na 'yung story, hindi pa talaga 'yun,” sabi ni Bea sa interview nila sa GMA Regional Morning News show na GMA Regional TV Early Edition.
Dagdag pa ng aktres, “Sa pagpasok ni Andrea (Torres) at ni Sid (Lucero) dun sa story, talagang magkakaroon ng maraming kumplikasyon.
Para naman kay Dennis ay dapat abangan ng mga manonood ang mga characters na makakasama nila sa serye.
“Makita nila kung gaano katindi 'yung characters na pumasok and kung gaano ýung magiging epekto nila sa buhay ni Atom at Stella,” sabi nito.
“Abangan nila kung kakayanin ba nila (Atom at Stella) 'yung mga pagsubok at 'pag nagkita sila, mare-resist ba nila 'yung mga temptations na mga haharapin nila,” dagdag ng aktor.
BALIKAN ANG STAR-STUDDED CINEMA SCREENING NG 'LOVE BEFORE SUNRISE' SA GALLERY NA ITO:
Gaganapan ni Andrea Torres ang role ni Czarina Montelibano, isang rich spoiled brat na nabibigay sa kaniya ang lahat kaya't sanay siyang makuha ang lahat ng gusto niya, kabilang na ang karakter ni Dennis na si Atom.
Sa eksklusibong panayam ng GMA Network.com, ibinahagi ni Andrea ang tungkol sa kaniyang karakter.
“Every time na may challenge na pumupunta sa buhay niya, talagang hndi niya titigilan 'yun kasi nga gusto niya, lahat ng mga nasa isip niya, lahat ng mga pinlano niya, matupad,” pagbabahagi nito.
Samantala, gaganapan naman ni Sid Lucero ang role ni Roald Vibal, ang mapapangasawa naman ni Stella, na ginaganapan ni Bea.
“I think 'yung arc na dadaaan ni Roald is pretty intense. The very peak or the bottom of this arc--it goes both ways kasi--is to me my favorite part of the show. I think that's also where all of my heart went to,” kuwento ng aktor sa hiwalay na interview.