What's Hot

Matteo Guidicelli, lumapit sa isang pari matapos gawin ang 'Penduko'

By Kristian Eric Javier
Published October 26, 2023 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

matteo guidicelli on penduko


Alamin dito kung bakit dumulog si Matteo Guidicelli sa isang pari matapos gawin ang 'Penduko':

Agad daw na pumunta si Matteo Guidicelli sa isang pari matapos niyang mag-shoot para sa Penduko, isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival ngayong tao.

“Parang napasukan ako ng ibang espiritu so medyo nag-transform si Penduko. Na-realize ko after that shooting day na, grabe, tindi pala 'yun,'” pahayag ni Matteo kay Lhar Santiago sa interview nito para sa "Chika Minute" ng 24 Oras.

Dagdag pa ng aktor, “Talagang ilang prayers, pumunta pa nga ako sa pari pagkatapos nun kasi parang nag-iba si Penduko.”

Samantala, kahit kabado para sa kaniyang pelikula ay inamin ng aktor na nakakuha siya ng comfort at lakas ng loob mula sa asawa niyang si Sarah Geronimo nang magbigay ito ng komento.

“I was very very happy when my wife, Sarah said 'Love, maganda 'yung trailer ha, maganda.' And just with that, she's the affirmation I needed, kumbaga,” kuwento nito.

KILALANIN ANG MGA LEAD STARS NG MGA PELIKULANG PASOK SA MMFF 2023 DITO:

Sa parehong panayam, inihayag din ni Matteo kung gaano siya kasaya na napapabilang siya sa action projects. Bukod kasi sa pelikulang Penduko, kabilang din siya sa upcoming action series na Black Rider kung saan makakasama niya si Ruru Madrid.

“Pulis po ako dun so mga handgun tactics, firearm tactics, lahat makikita po natin diyan. Stunts sa kotse, stunts sa motor,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ng aktor, “Dito sa Pedro Penduko, more one FMA, Filipino Martial Arts, arnis ang dala. Dito [sa Black Rider], hand to hand [combat].”