GMA Logo AHA! show
source: AHA!, @gmapublicaffairs/YT
What's Hot

'AHA!' maghahatid ng mga kuwentong kababalaghan ngayong Halloween

By Kristian Eric Javier
Published October 27, 2023 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rights groups condemn re-arrest of Nobel laureate Mohammadi in Iran
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

AHA! show


Tamang-tama ang kuwento ng kababalaghan ngayong Halloween.

Dahil nalalapit na ang Halloween, hindi maiiwasan na may mga nararanasan na ring mga kababalaghan ang mga tao. Ang dalawa sa kanila ay nagbahagi ng kanilang kuwento sa informative show ng GMA na AHA!

Isang doll collector si Christian at ayon sa kaniya, ilan sa mga dolls na nakolekta niya ay maaaring may tinatagong kababalaghan.

Ayon sa binata, bata pa lang siya noong napanood niya ang pelikula tungkol kay Chuckie Doll. Dito siya unang nahumaling sa mga dolls at naisip niyang kolektahin ang mga ito. Aminado rin si Christian na isa sa kaniyang mga koleksyon, si Allison, ay may kababalaghan.

“Nabili ko lang po siya, online po. Naka-post po sa FB page tapos nakita ko po siya. 'Pag tiningnan mo siya sa mata niya, parang nangungusap 'yung mga mata niya,” sabi niya.

Naikuwento rin ni Christian na nang mag-post siya sa kaniyang Facebook ng litrato ng kaniyang koleksyon ay isa umanong mangkukulam ang nag-message sa kaniya para bilhin si Allison.

“Dun na po niya inamin na may something daw po kasi, demonic entity daw po. Maliit po na demonic na itim. Nakikita niya daw po,” kuwento niya.

Hindi man ipinagbili ni Christian ang manika ay binilinan naman siya ng buyer sana ni Allison na magsagawa ng isang ritwal upang ma-control umano ang entity sa manika.

Ibinahagi ni Christian na paminsan-minsan ay napapanaginipan niya si Allison ngunit nang magsagawa ng ritwal ay mas napapadalas pa ito.

“Napanaginipan ko po siya na nasa ulunan ko po tapos hinihimas-himas 'yung ulo ko,” sabi niya.

Bukod kay Allison ay isang clown doll naman, si Humpty, ang nasaksihan niya umanong nabuhay sa harap mismo niya.

“Nag-cellphone na po ako nun, nahiga, tapos narinig ko na siyang tumatawa, siguro mga five seconds po 'yun, Tinry ko po siyang pindut-pindutin, tumatawa pa rin pero paputol-putol po,” kuwento niya.

Dagdag pa ni Christian ay nag-leak na raw noon ang battery at nang linisan niya ito at palitan ng bago, ay hindi na muling tumawa pa ang manika.

Ayon naman sa Physics educator na si Jonn Enguero na ang pagtawa na ginawa ng manikang si Humpty ay maaaring galing sa battery na nakalagay rito noon. Dagdag pa nito ay wala namang epekto ang mold na namuo para hindi ito gumana dahil connected pa ang baterya sa conductor.

“Nilinis niya muna 'yung lalagyan ng battery, posibleng kasing meron na siyang nagalaw kaya hindi na tumunog nung time na pinalitan na niya 'yung battery,” sabi niya.

Panoorin ang buong interview rito:

BALIKAN ANG MGA AKTRES NA GUMANAP SA MGA HORROR SPECIALS SA GALLERY NA ITO:

Samantala, nakaranas naman ang tattoo artist na si Art Ferrer na makita ang doppelganger ng pamangkin niyang si Allen sa bahay kung kailan alam niyang wala ito.

Ayon kay Art ay may kliyente siya noon nang makunan niya sa video ang isang bata na kamukha ni Allen sa may pinto.

Ayon kay Areli, “Hindi pa po kayang umuwi ni Allen mag-isa dito kaya sinusundo namin ni Kuya Art at ako; 3 p.m. nung sinundo ko si Allen sa school. Sure ako, hindi si Allen 'yung nasa video.”

Dagdag pa nito ay hindi naman ngumingiti ang anak niya sa parehong paraan na ginawa ng bata sa video.

Ayon naman sa kapitbahay nila Art, isang mag-ina ang napatay noon sa bahay na nabili ng pamilya nila Art. Ikinuwento ni Justine Fernandez na buntis noon ang babae sa bahay nang mapaslang ito ng boyfriend niya.

Sa tulong ng paranormal expert na si Ed Caluag, nalaman nilang tila humihingi ng tulong ang bata sa litrato, at parang nalulunod o di makahinga ang bata.

Dagdag pa ni Ed, “May nakikita ako sa loob ng bahay, parang magnanay. Hindi ko alam kung mag nanay ito, merong dalawang tao na nakita ko, may babae, in-abort, nagpa-abort, or na-misscarriage, pero may bleeding, nagkakagulo sila.”

Ang doppelganger ay isang elemento na may kakayahan makagaya ng itsura ng ibang tao at ayon kay Ed, kung tama ang nakita niyang ipina-abort ang batang nakita niya ay wala itong imahe o itsura.

“Never siyang napanganak, parang ganun. So ang tendency, gagamit talaga siya ng iba't ibang mukha,” paliwanag ni Ed.

Natatakot man noong una sina Art, inamin nitong hindi na sila ganun ka-bothered ngayong alam na nila kung sino o ano 'yung nakita nilang bata sa video.

Para mas lalong maibsan ang kanilang kalooban, pinili ng mag-anak nina Art na ipa-bless ang bahay.

Panoorin ang buong interview rito: