
Mapapanood na sa Philippine television ang fantasy series na Buck sa GMA ngayong Nobyembre.
Ang naturang serye ay pinagbibidahan nina Bram Spooren bilang Elias, Ina De Winne bilang Hanne, Ini Massez bilang Katrien, Tine Roggeman bilang Laura, Annabet Ampofo bilang Mona, at Robbert Vervloet bilang Buck.
Magsisimula ang kuwento ng Buck sa paglipat ng tahanan ng pamilya ng teenager na si Elias. Nagalit si Elias nang makita niyang itinapon ng kanyang kapatid na si Laura ang first edition ng Buck Sci-Fi comic niya, ngunit nabighani ang binata nang makita ang kanyang sassy neighbor na si Mona.
Habang nakahinto ang nilalarong video game ni Elias, isang kidlat ang naging dahilan kung bakit napunta sa totoong buhay ang video game character na si Buck.
Simula November 13, masasaksihan ang exciting adventures nina Buck at Elias sa real world. Paano kaya mamumuhay si Buck sa mundo ng mga tao?
Abangan ang Buck simula November 13, 8:25 a.m., sa GMA.