GMA Logo Barbie Forteza at David Licauco
What's Hot

Barbie Forteza at David Licauco, nagpakilig sa mga Zamboangueño

By Jansen Ramos
Published October 31, 2023 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza at David Licauco


Lumipad sina Barbie Forteza at David Licauco kasama ang kanilang 'Maging Sino Ka Man' co-stars na sina Faith Da Silva at Juancho Triviño sa Zamboanga City para sa selebrasyon ng Zamboanga Hermosa Festival 2023.

Nakisaya ang Maging Sino Ka Man stars sa mga Zamboangueño sa Kapuso Mall Show doon na inorganisa ng GMA Regional TV na ginanap sa KCC Convention Center, KCC Mall de Zamboanga sa Zamboanga City noong Sabado, October 28.

Lumipad sina Barbie Forteza, David Licauco, Faith Da Silva, at Juancho Triviño sa probinsya para sa selebrasyon ng Zamboanga Hermosa Festival 2023.

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)


Hinarana nina Faith at Juancho ang mga dumalo sa event at nakipagpa-picture at nakipagkamayan sa kanilang mga fans doon.

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

Naghiyawan naman ang fans nang lumabas na sa stage ang kinagigiliwang loveteam na sina Barbie at David.

Pinakilig ng BarDa ang kanilang mga tagahangang Zamboangueño nang kantahan ni David si Barbie ng "Maging Sino Ka Man" na official theme song ng kanilang serye.

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

Samantala, nag-guest din ang Maging Sino Ka Man stars sa GMA Regional TV program na At Home para i-promote ang pagtatapos ng special limited series.

Mapapanood ito sa Biyernes, November 3, 8:00 a.m. sa GMA Mindanao channels.

Mapapanood ang huling apat na episode ng Maging Sino Ka Man weeknights, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at online via Kapuso Stream.

Ipinapalabas din ang action-drama series sa GTV at 9:40 p.m.

NARITO ANG IBA PANG KILIG MOMENTS NG BARDA: