
Si Rhian Ramos ang bagong karadagdagan sa cast ng much-awaited Kapuso series na Sang'gre.
Ipinakilala na ang aktres bilang ang makapangyarihang diwata na lulusob sa mundo ng Encantadia na si Mitena. Ang nasabing karakter ay ang cursed twin ni Cassiopea, na binigyang buhay noon ni Solenn Heussaff.
Sa interview ni Nelson Canlas ng 24 Oras, ibinahagi ni Rhian ang ilang detalye tungkol sa kanyang gagampanang role sa serye.
“Isa siyang Ice Queen, so I believe that it has something to do with that pero may mga makukuha rin kasi akong kapangyarihan along the way. So madadagdagan nang madadagdagan,” kuwento niya.
Ang diwatang si Mitena ay ang kakambal ni Cassiopea, na ginampanan noon ni Solenn Heussaff.
“Sabay kaming isinilang sa mundo ng Encantadia. Kung iniisip n'yo na Encantadia lang ang nag-iisang world, marami pang mga iba't ibang area,” saad niya.
Ayon pa kay Rhian, nagkausap na sila ni Solenn tungkol sa kanyang role sa Sang'gre nang magkita sila sa isang Halloween party.
“Noong una, actually pinapa-confirm ko sa kanya kung 'Uy, talaga ba? Totoo ba?' Kasi noong una, chika pa lang, hindi pa nako-confirm sa akin. So sabi ko, 'Totoo ba na magkapatid tayo? Magkakambal tayo sa Sang'gre and babalik ka ba as your character?'
“Tapos noong una, hindi niya pa kino-confirm sa akin. Pero noong nagkita na kami nung Halloween, yes it is true at nag-Cassiopea pa siya as her costume.”
Huling napanood si Rhian sa murder mystery drama series na Royal Blood, kung saan gumanap siya bilang Margaret.
Noong nakaraang linggo, ipinakilala na ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.
Related content: Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian, emosyonal sa pagsasama-sama bilang mga bagong Sang'gre
Si Bianca ang magmamana ng Brilyante ng Lupa habang si Faith naman ang tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy. Samantala, pangangalagaan ni Kelvin ang Brilyante ng Tubig at si Angel naman sa Brilyante ng Hangin.
Ang Sang'gre ay pagpapatuloy ng kuwento ng ng iconic telefantasya ng GMA na Encantadia.