
Muling nagsama-sama ang original Sang'gres ng Encantadia (2005) na sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Iza Calzado, at Karylle upang magbigay saya sa “Magpasikat 2023” ng It's Showtime.
Matatandaan na kahapon ay ipinakita ng apat na aktres ang kanilang fighting skills habang suot ang kanilang naggagandahang costumes sa “Magpasikat” performance ng Team Karylle, Amy, MC, at Lassy.
Sa Instagram, ibinahagi ni Diana ang larawan kasama ang kanyang former Encantadia co-stars at sinulat sa caption, “AVISALA! So good to be back! #Family #showtime #sanggreinc @missizacalzado @m_sunshinedizon @anakarylle Love you Sistahs.”
Sa comments section, marami ang natuwa sa naging reunion ng original Sang'gres sa noontime show at napansin na hindi kumukupas ang ganda ng mga ito.
Bukod dito, nag-trend sa X (formerly Twitter) ang “OG Sanggre” at marami ang masayang nakitang nagsama-sama muli sina Sunshine, Iza, Diana, at Karylle.
The OG Sanggres are reunion are giving 🔥#ShowtimeMagpasikat2023 #Sanggre pic.twitter.com/71Ss3onf3t
-- Josh Sesduyro (@JSesduyro) November 7, 2023
Grabe OG SANGRE 😭😭😭✨✨✨#Magpasikat2023KarylleAmyLassyMc pic.twitter.com/29aJdoH06G
-- Marikit Karylle (@VKfied) November 7, 2023
Nang pinagsama ang GMA at ABSCBN. Avisala Eshma! Nagsama-sama ulit ang OG #Sanggre ng #Encantadia sa @itsShowtimeNa ung saya kong makita sila
-- @pauloinmanila and 99 others (@pauloMDtweets) November 7, 2023
🔥#Pirena @m_sunshinedizon
🍂#Danaya @DianaZubiri_
🌬#Amihan @MissIzaCalzado
🌊#Alena @anakarylle#Magpasikat2023 #TeamKarylleAmyLassyMC pic.twitter.com/61A15ChCkG
The reunion we deserved. 😍 #ShowtimeMagpasikat2023#MagpasikatKarylleAmyLassyMC#OGSanggre#Encantadia pic.twitter.com/2cMJMy6Mub
-- Ctrl-Alt-Delete (@CtrlAltDel000) November 7, 2023
My childhood OG Sanggre of Encantadia. I'm crying. 😭😭😭
-- Jomarie Sauquillo (@ItsMeGrayKnight) November 7, 2023
❤️💚💙🤎🍃🍂🌊🔥
I'm so happy to see them reunited on screen again. #Magpasikat2023KarylleAmyLassyMc #ShowtimeMagpasikat2023 pic.twitter.com/ESFsI63c57
Samantala, noong Oktubre ay inanunsyo na ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.
Related content: 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' Story Conference
Ang Sang'gre ay ang pagpapatuloy ng kuwento ng iconic telefantasya ng GMA na Encantadia.