GMA Logo She and Her Perfect Husband cast
What's Hot

'She and Her Perfect Husband,' mapapanood sa GMA

By EJ Chua
Published November 9, 2023 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

She and Her Perfect Husband cast


Abangan ang Chinese drama series na 'She and Her Perfect Husband' sa GMA-7.

Bago matapos ang taon, inihahandog ng GMA Heart of Asia ang Chinese drama na She and Her Perfect Husband.

Tampok dito sina Xu Kai, Tang Jing Mei, Tao Jun Hui, Wang Zi Xuan, Yang Mi, at ilan pang actors.

Ang istorya nito ay iikot sa buhay ng single female lawyer na si Felicity, ang karakter ni Yang Mi sa serye. Siya ay isang babaeng naka-focus lamang sa pagtatrabaho bilang isang abogado.

Magsisimulang magbago ang takbo ng kaniyang buhay dahil sa isang makulit na kilos at desisyon na gagawin ng kaniyang kapatid.

From single, magiging instantly married si Felicity.

Ano kaya ang kaniyang gagawin kapag nalaman niyang biglang napalitan ang kaniyang status nang wala man lang approval niya?

Matakasan pa kaya niya ang mga pagsubok na darating sa kaniya bilang isang married woman? Sino kaya ang kaniyang husband?

Abangan ang kuwento ni Felicity sa She and Her Perfect Husband, malapit nang mapanood dito lamang sa GMA-7.