
Trending ngayon ang bagong post ni Jillian Ward sa kanyang social media accounts.
Isang bagong larawan ang ibinahagi ni Jillian kung saan makikitang lutang na lutang ang kanyang ganda.
Bukod sa kanyang beauty, kapansin-pansin din sa larawan ang hourglass figure ng aktres habang suot ang kanyang all-black fitted outfit.
Kakabit ng kanyang post ay ang positive comments at reactions ng netizens tungkol sa napakagandang Sparkle star.
Sa comments section, agaw-pansin ang naging reaksyon ng Abot-Kamay Na Pangarap star na si Kazel Kinouchi sa stunning look ng kanyang co-star.
Paglalarawan ni Kazel sa kanyang co-actress, “Ahhh you're so perfect.”
Kasunod nito, sinagot naman ni Jillian ang komento sa kanya ni Kazel. Sabi niya, “@kazelkinouchi, you are perfect! I love you and I miss you!”
Sa kasalukuyan, mayroon ng 91,800 likes ang post ng young actress sa Instagram.
Samantala, sina Jillian at Kazel ay napapanood sa ongoing GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kilala sila rito ng napakaraming manonood bilang sina Doc Analyn Santos at Doc Zoey Tanyag.
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: