GMA Logo Beauty Gonzalez Dante Rivero Cedrick Juan Enchong Dee
sources: beauty_gonzalez/IG, gmanews/YT
What's Hot

Mga aktor sa MMFF 2023, ibinahagi ang kanilang experience

By Kristian Eric Javier
Published November 15, 2023 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala exits Australian Open after 'overwhelming' scenes
DPWH chief orders third-party assessment of Iloilo's Aganan Flyover
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez Dante Rivero Cedrick Juan Enchong Dee


Para kay Beauty Gonzales, "awkwardly nice" makatrabaho si Derek Ramsay, habang nagpapasalamat naman ang mga bida ng 'GomBurZa" sa kanilang roles.

Sa nalalapit na 2023 Metro Manila Film Festival, hindi mapigilan ng ilang mga bida ng mga pelikulang bahagi nito na ipahayag ang kanilang excitement at ibahagi ang kanilang mga experience sa kani-kanilang mga proyekto.

Isa na rito ang Stolen Life actress na si Beauty Gonzalez, na bibida sa horror film na K(ampon). Sa interview niya kay Lhar Santiago sa "Chika Minute" para sa 24 Oras, inilahad niya kung gaano kalaking blessing ang mapabilang sa pelikula.

“It's very nakakatakot and kaka-iba siya e. Ang hirap gumawa ng horror and it's fun because you have to be very creative,” pagbabahagi nito.

Dagdag pa ng aktres, masaya man siya sa pananakot ng mga tao sa pelikula ay may kaakibat itong creativity kung paano gagawin.

Aminado rin si Beauty na challenging makatrabaho ang co-star niya, ang nagbabalik-pelikulang si Derek Ramsay, na asawa ng bestfriend niyang si Ellen Adarna.

Paglalarawan ni Beauty sa experience, “Awkwardly nice.”

Patuloy pa niya, “I admire him na he didn't make me feel awkward on set. We're very professional and when we talk about it with Ellen."

ALAMIN KUNG SINU-SINO ANG LEAD STARS NG 10 MMFF MOVIES NGAYONG TAON:

Samantala, nagpapasalamat din ang mga aktor ng historical movie na GomBurZa na sina Dante Rivero, Enchong Dee, at Cedrick Juan.

Ibinahagi ni Dante kung gaano siya kasaya makuha ang role ni Padre Mariano Gomez, at ipinagpapasalamat niya na nakasama siya sa cast ng pelikula.

“Mahal ako ng Diyos and I thank the Lord, maraming salamat sa kanya. Now, I'm still strong and I'm going strong, and I hope na makagawa pa ako ng maraming pelikula,” ani ng batikang aktor.

Dream come true naman para kay Enchong ang role na Padre Jacinto Zamora dahil isa ito sa mga pinapangarap niyang roles.

“Laging tanong nila, 'ano pa 'yung dream role mo?' lagi kong sinasabi, historical or biopic, binigay sa akin ng Diyos ng isang bagsakan, 'o eto, historical at biopic,'” sabi ng aktor.

Itinuturing naman ni Cedrick na biggest acting break ang role niyang si Padre Jose Burgos na muntik na niyang hindi makuha dahil sa isang project.

“When I read about it, October 2022, sabi ko, sayang hindi ako puwede kasi I had to do a play. Buti nabigyan pa rin ako ng pagkakataon,” sabi ng aktor.

Dagdag pa nito, “Sobrang roller coaster ride na siya kasi nandiyan na siya.”

Aminado rin ang tatlong aktor kung gaano sila kinilabutan sa pagpatay sa kanilang mga karakter gamit ang garrote.

Ani ni Dante, “Hindi na kailangan turuan um-acting. 'Yun bang nararamdaman nila 'yun, 'yung sakit, 'yung hirap huminga.”