
Nagtapos na ang taping ng first series nina Jennylyn Mercado at Xian Lim na Love. Die. Repeat. kamakailan.
Nagsimula ang produksyon ng upcoming GMA drama noong 2021 at itinuloy nitong Mayo nang makabalik si Jen matapos manganak sa unang anak nila ni Dennis Trillo na si Dylan.
Sa Instagram post ni Xian noong Sabado, November 11, ishinare niya ang ilang larawan nila sa set ng Love. Die. Repeat.
Inisa-inisa rito ng aktor ang ilang highlights ng kanyang proyekto sa loob ng dalawang taon. Kabilang diyan ang pakikitungo nila ni Jen sa isa't isa noon. Ani Xian sa kanyang pangalawang litrato na kuha pa noong 2021, "Day 1 from 2021, nagkakahiyaan pa with Jen fast forward 2023, tawanan na lang bawat eksena."
Samantala, namigay naman si Jen ng regalo sa kanilang castmates at ilang staff ng Love. Die. Repeat. sa pagtatapos ng kanilang taping, base sa post ng kanilang co-star na si Shyr Valdez.
Nakatakdang ipalabas ang Love. Die. Repeat. sa GMA Telebabad sa 2024.
Mula ito sa direksyon nina Irene Villamor at Jerry Lopez Sineneng.