GMA Logo Kimson Tan
What's Hot

Kimson Tan, nakakatulong daw ang paglalaro ng basketball sa pag-aartista?

By Kristian Eric Javier
Published November 19, 2023 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Fajardo resigns from ICI
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Kimson Tan


Alamin kung anong aral ang natutunan niya sa basketball ang nagagamit pa rin ni Kimson Tan ngayon.

Isa sa mga naging libangan noon ni Kapuso actor Kimson Tan ay maglaro ng basketball kasama ang mga kaibigan niya sa high school and college. Kaya naman, ibinahagi ng young actor ang natutunan niya mula sa sport na nagagamit niya ngayon bilang isang aktor.

Sa interview niya sa GMA Regional TV morning show na Early Edition noong November 17, ibinahagi ni Kimson na naging malaking tulong sa kaniya bilang isang artista ang disiplina mula sa basketball, lalo na time management.

“Being a student athlete, kailangan mo i-balance 'yung acads and basketball that time,” sabi nito.

Ayon pa rito ay kahit hanggang ngayon na nagtatrabaho na siya ay nagagamit pa rin niya ang natutunan mula sa sport.

“I always make sure na I come early sa call time, 30 minutes sa call time para 'di ma-late,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ng aktor, “Kumbaga 'yun ang 'yung mabibigay ko sa tiwala na binibigay sa'kin ng network, 'yung disiplina ko sa trabaho, 'yung work ethic ko pagdating sa work ko.”

Nang tanungin naman si Kimson kung sino sa mga Kapuso actress ang gusto niyang maging leading lady, ang sagot ng aktor, “Anyone na ibigay ng network sa'kin, ibibigay ko rin 'yung best ko.”

“Gusto ko rin maka-work 'yung iba't-ibang mga actress po natin dito dahil lahat naman po may angking galing sa pag-arte,” sabi ng aktor.

KILALANIN PA ANG CHINITO HUNK NA SI KIMSON SA GALLERY NA ITO:

Tinanong din si Kimson ang estado ng kaniyang love life ngunit ayon sa aktor ay mas gusto niyang mag-focus muna sa trabaho.

“Right now po focus talaga ako sa work kasi 'yung tiwala na binibigay ng network sa'kin, sobrang laki so gusto ko pong mabigay 'yung best ko,” pagbabahagi ng aktor.

“Gusto ko pong mag-focus muna sa mga project na gagawin ko pa. Sobrang focus ko lang ngayon sa work talaga,” pagpapatuloy niya.

Bukod sa pagbida sa sitcom na Open 24/7 at sa upcoming drama series na Lovers/Liars, bibida rin si Kimson sa Singaporean film na King of Hawkers, isang palikulang iikot sa mundo ng mga hakwers o street food stall vendors sa Singapore.

Panoorin ang buong interview ni Kimson dito: