
Matapos ang tagumpay ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, isang bago at malaking historical action-drama naman ang pinaghahandaan ng GMA para sa 2024.
Isang teaser poster ang inilabas kahapon (Miyerkules) ng GMA sa social media tungkol sa nasabing nilulutong bagong proyekto.
May caption ito na, “The biggest historical drama of 2024 is about to be unveiled.”
“Abangan bukas. 11. 23. 2023,” saad pa sa nasabing poster.
Sari-saring reaksyon naman ang naging komento ng netizens sa comments section.
“Ano kaya ito hmm? The biggest historical drama of 2024,” tanong ng isang Kapuso.
“So excited and happy,” dagdag naman ng isang netizen.
“Finally, ginalaw narin ang baso,”komento pa ng isang Kapuso fan.
Bagamat hindi pa man pinapangalanan, ang nasabing serye ay isa sa mga malalaking proyekto na dapat abangan sa GMA sa susunod na taon.
Sama-samang abangan ang iba pang detalye rito, bukas. Para sa iba pang updates tungkol sa Kapuso shows, at Kapuso stars, bisitahin ang GMANetwork.com.