
Sa kauna-unahang pagkakaton, magsasama sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Megastar Sharon Cuneta sa isang pelikulang may pamagat na Family of Two.
Isa sa entries ang Family of Two sa Metro Manila Film Festival ngayong taon, kasama ang Firefly nina Alessandra De Rossi at Euwenn Mikaell, at Rewind nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.
"Ito 'yung panahon, especially Pasko, at ang Pasko ay para sa pamilya, especially pagdating sa mga Pilipino, hindi lang Pilipino maging ibang tao sa mundo," saad ni Alden sa panayam ng 24 Oras.
"This film is so light and feel good, heartfelt."
Dagdag ni Sharon, agad siyang pumayag na gawin ang pelikula nang malamang makakasama niya si Alden dito.
"Walang kaduda-duda nung sinabing Alden Richards 'yung kasama ko, right away, kahit walang pang script, 'Ay, Alden Richards? Go go go!'" kuwento ni Megastar.
"I miss doing this type of movie na parang ito 'yung isa sa pinaka-wholesome at funny at heartwarming na movies na nagawa ko na hindi sobrang, 'O kailangan mabigat 'yung drama para mapaiyak 'yung audience.'
"Hindi ganun, e."
Family of Two is Alden's second film this year after the success of 'Five Breakups and a Romance' with Julia Montes, which grossed over 70 million.
TAKE A LOOK AT ALDEN'S CAREER HIGHLIGHTS IN THIS GALLERY: