GMA Logo Matteo Guidicelli
What's Hot

Matteo Guidicelli, binalikan ang pinagdaanan bago naging isang scout ranger

By Kristian Eric Javier
Published November 28, 2023 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gov’t hospitals on Code White Alert for illness, injury amid Christmas, New Year holidays
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Matteo Guidicelli


Matteo Guidicelli sa kanyang scout ranger orientation course: "“Iyak ako ng iyak, araw-araw, iyak..."

Isa ang Black Rider star na si Matteo Guidicelli sa mga celebrities na nagsisilbi sa bayan bilang reservists ng Philippine Military. Parte ang aktor ng First Scout Ranger Regimen o Scout Rangers. Ngunit paano nga ba niya naisip maging isang reservist?

Sa online show na 'Iskoverynight,' ibinahagi ni Matteo na nagsimula ang lahat four or five years ago nang mag-sky dive siya kasama ang mga scout rangers. Kuwento ng aktor, pinadaan siya ng mga ito sa kanilang kampo sa San Miguel, Bulacan at dito niya nakita ang iba pang rangers.

“Sabi ko sa general nun, si General (William) Gonzales, sabi ko, 'Sir, paano maging ranger? Pwede ba akong sumali diyan?'” pag-alala ni Matteo.

Sumang-ayon naman si General Gonzales bilang isang biro, “kasi siyempre artista tayo, wala namang mga artista na pumasok diyan.”

Ngunit matapos ang dalawang linggo, pagbalik ni Matteo, ay sinabi sa kaniya na kinailangan niya munang maging sundalo bago maging parte ng Scout Rangers.

“Ginawa ko, pumunta ako sa reserved force, ginawa ko 'yung exam,” pagbabahagi niya.

TINGNAN ANG KUNG SINONG MGA CELEBRITIES ANG ARMY RESERVIST DIN:

Ang reaksyon ng kaniyang then fiance na si Sarah Geronimo, mga magulang, manager, at ni Boss Vic del Rosario, “'Baliw ka ba, Matteo? Bakit magsundalo ka? Mag-action movie ka na lang.”

Ngunit ayon sa aktor ay ginagawa niya ito para sa sarili niya at para mas makilala pa ang taong nagsisilbi at nagpoprotekta sa bansa. Inamin din ni Matteo na nag-iba ang pagtingin niya sa mga sundalo matapos niyang mag-training at makapasa sa pagiging isang scout ranger.

Kuwento niya, “45-day scout ranger orientation course. Sabi ng isang officer dun, 'Matt, pustahan tayo, five day, break ka na, gusto mo na umuwi.' Two days gusto ko na umuwi.”

“Iyak ako ng iyak, araw-araw, iyak, 'ano ba 'to?' Sabi ko sa mga classmate ko, mga PMA (Philippine Military Academy), mga babae, 'Ba't ako lang umiiyak, kayo hindi?' Sabi nila, 'Matt, 4th year na kami, PMA. Nung plebo kami, dumaan na kami diyan,” pagpapatuloy niya.

Ngunit ayon kay Matteo ay mas lalo siyang nagpursige para ipagpatuloy at tapusin ang pag-aaral para maging isang scout ranger.

"Talagang na-motivate ko 'yung sarili ko, sige, tuloy tuloy ko 'to. And everyday, na climate-ized ako, structured lahat e," ani Matteo.